PROLOGUE

33 3 0
                                    

Agaw-pansin sa madla ang mapusok na paghahalikan nina Daryl at Cheska sa apat na sulok ng bar na iyon. Bagamat pareho mang tinamaan dala ng kalasingan ay hindi pa rin magkamayaw ang dalawa sa kanilang ginagawa.


Hindi makuntento si Daryl sa ginagawa nilang dalawa ngayon ni Cheska. Sa tuwing magkikita kasi sila ng dalaga ay paulit-ulit na lang na ganito ang nangyayari: maghahalikan lamang silang dalawa hanggang sa magsawa. Walang thrill. Gusto niya ng bago; yung tipong magbibigay sa kanya ng panibagong sabik at sensasyon sa katawan.


Napangisi siya sa huling naisip.


Lumayo sa kanya si Cheska at mabilis nitong nilagok ang natitirang alak sa iniinumang baso. Tumayo ito at nakangiting hinarap siya. Sumayaw ito sa kanyang harapan habang napapakagat sa labi, yung tipong tinutukso siya ng husto. Sa bawat indayog ng katawan ni Cheska ay napapalunok si Daryl.


Medyo kita na ang kaluluwa nito sa suot nitong manipis na above-the-knee black dress. Aminado siyang tunay na nakakaakit si Cheska; hindi lamang ang mukha nitong maganda, kundi maging ang makinis nitong kutis, ang hinaharap nitong may maipagmamalaki at ang katawan nitong sadyang napakasexy. Ngunit hands-off pagdating sa kanya ang dalaga. Sinabihan siya nito na hanggang halikan lamang sila at wala ng hihigit pa doon, ngunit kung makaasta ang dalaga ngayon ay parang bumibigay na ito sa kanya, dahil maging siya rin ay malapit ng sunggaban ito upang gawin ang kanina pang tumatakbo sa kanyang isipan; ang ikama ito at dalhin sa langit. Siya ang Hari ng kanyang sariling palasyo at si Cheska ang magsisilbing kanyang alipin ngayong gabi at susunod sa mga gusto niyang mangyari. Buo na ang kanyang desisyon. Wala ng makakapigil sa kanya, kahit maging ang dalaga.


Hinila siya ni Cheska upang makihalubilo sa kumpulan ng mga nagsasayawang tao sa gitna ng dance floor.


Patuloy pa rin sa pagsayaw ang dalaga na tila nag-iisa lamang ito doon. Kumurba ang isang ngiti sa kanyang labi. Hinapit niya palapit sa kanya ang dalaga at mariin itong hinalikan. Tumugon naman ang dalaga bilang ganti sa kanya.


"Babe, you're drunk..." bulong niya sa kaliwang tainga ng dalaga. "Umuwi na tayo." Dagdag niya pa.


"Can't we just stay for a while?" pagmamaktol ni Cheska sa kanya. "Ayoko pang umuwi."


"But we have to," kontra niya rito. Kailangan niyang maisakatuparan ang plano niya ngayon. Matagal-tagal na rin simula nang mag-init ang kanyang katawan at magsama ng babae sa kanyang kama. Ngayon lamang niya ulit naramdaman iyon dahil kay Cheska. Sa katunayan, marami na siyang naikamang babae. At ngayong gabi, mapapabilang na sa kanyang listahan si Cheska bilang isa sa mga babaeng naikama niya. Hindi naman niya masisisi ang sarili. Lalaki lang din naman siya at naghahanap ng kaligayahan.


Napahilot si Cheska sa kanyang sintido. "Fine," ang tanging nasabi nito at pasuray-suray na naglakad papunta sa kanilang table at kinuha doon ang kanyang sling bag. Nauna na itong maglakad papunta sa labas habang siya naman ay sinundan lamang ito.


Nang makalabas ay dire-diretsong naglakad papunta sa kanyang kotse si Cheska pagkatapos ay lumingon sa kanya. "See you tomorrow at school." Akmang bubuksan na nito ang pintuan ng kotse nang biglang hinila niya ito paharap sa kanya at sinandal doon. Marahas niya itong hinalikan na parang wala ng bukas. Umabot ang kanyang halik pababa sa leeg nito. Tila nagustuhan naman iyon ng dalaga sapagkat hindi man lamang ito tumututol sa ginagawa niya. Hinagod din niya ang likod nito hanggang sa umabot iyon pababa sa hita ng dalaga. Hinaplos-haplos niya ang hita nito. Hindi na siya makapagpigil pa.


Malalim na ang gabi at sila lamang dalawa ang naroroon sa mapunong parte ng kalsadang iyon kung kaya't wala siyang pag-aalinlangan sa kung ano man ang mga mangyayari sa pagitan nila ni Cheska.


I Know What They Did Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon