Donnalyn Turner
Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko. That piece of shit. Nakakainis. Kontrolado niya ako.
Buong akala ko, titigil na siya sa pangungulit sa akin pero nagkamali ako.Makati pa rin talaga ang butsi ng matandang 'yon.
Haharapin ko siya ng buong tapang kahit anong mangyari. Hindi pwedeng habambuhay na lang akong magpapaalipin sa kanya. Sapat na ang mga panahong nagpailalim ako sa kapusukan at mga luho niya dahil sa lintik na pagbabanta niya sa akin.
Maagang namatay ang ina ko dahil sa pagpapaanak sa akin. Lumaki ako na tanging kasama lamang ay ang mabait at mapagmahal kong ama. Nang tumuntong ako sa gulang na labing-apat, napansin kong nagbago ang pakikitungo sa akin ng ama ko. Lagi siyang nagpapakalulong sa alak at hatinggabi na kung umuwi. Dumating sa punto na pinagbubuhatan niya ako ng kamay at ang hindi ko inakalang gagawin niya sa akin...
Pangmomolestya.
Panghahalay.
Sa murang edad ay nasaksihan ko ang kamunduhan. Halos gabi-gabi niya akong inaalipin sa kama. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa gusto niya, lumuhod, umiyak at magmakaawa sa kanya. Ngunit tila naging isang demonyo na ang ama ko. Tila isang impyerno ang kinalakhan ko.
Dumating sa punto na lumala ang sitwasyong kinalalagyan ko.
Naaalala ko pa ang araw na 'yon...
Sinikmuraan niya ako. Tinakpan niya ng panyo ang ilong ko hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nagising ako na madilim ang paligid. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi ako nag-iisa. Pinatunayan 'yon nang dalawang lalaking hindi ko malinaw na naririnig ang pinag-uusapan. Ngunit kilala ko ang isa sa mga boses na iyon...ang boses ng ama ko.
Nakatali ang mga kamay maging ang mga paa ko. Pinilit kong makawala na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kama.
Natigil sila sa pag-uusap. Papalapit ang yabag nila sa akin.
Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. Kinapa ko ang isang pares niyon.
"Pa..." pagmamakaawa ko sa ama ko. Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.
"Ikaw na ang bahala sa kanya." nakangising sabi niya at nilingon ang lalaki.
Si Professor Clinton.
Nasa harapan ako ng salamin at tinititigan ang sariling repleksyon. Napatingin ako sa palad ko nang maramdaman ang isang patak ng likido.
Isa akong maruming babae. Nawala sa isang iglap ang pinanghahawakan kong dangal. Ngunit nabago ang pananaw kong iyon nang makilala ko si Adam. Pinaramdam niya sa akin ang tunay na kahalagahan ko. Nilabas niya ang isang halimaw sa pagkatao ko.
Lumabas ako at dumiretso sa garage kung saan nakapwesto ang kotse ko. Papasok na sana ako nang may pumigil sa akin.
"Saan ka pupunta?"
Sinamaan ko ng tingin si Shawn at pinalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Get lost," sabi ko. Ngunit hinarang niya ang katawan niya sa harapan ko.
"Can we go out for a dinner date?"
"Not now, Shawn." I make a deadface look. Wala akong balak makasama siya. Tuluyan akong pumasok ng kotse at mabilis na binuhay iyon.
BINABASA MO ANG
I Know What They Did Last Summer
Mystery / ThrillerA group of six friends. Daryl, the playboy, is the one who loves flirting with different girls in the campus. Antoinette, the beauty, the picture-perfect campus queen. Shawn, the heartthrob, is an ideal boy and every girls' dream. Donnalyn, the chee...