Antoinette Twain
"Cheska will be here in a minute." Daryl said while tapping his fingers at the surface of the table. Tumango lamang ako.
"Hey, Daryl!" tawag-pansin sa kanya ng dalawang babaeng naka-maikling shorts at naglakad papunta sa pwesto namin. Umupo ang isa sa kanang side niya habang ang isa naman ay sumiksik sa pagitan naming dalawa. Tumingin ang babae sa akin, inirapan ako, at binigay muli ang atensyon kay Daryl na may nakakalokong ngiti sa labi. I gasp in despair. Nilaro ko na lang ang drink na in-order ko kani-kanina lang.
Umangat ang sulok ng labi ko nang dahil sa naiisip. Maya-maya lamang ay matutupad na ang matagal ko nang pinaplano.
Ready yourself, Cheska.
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Adam pala. Hindi ko maipaliwanag ang timpla ng mukha niya. Nag-usap kami sandali hanggang sa magpaalam ako sa kanyang aalis na ako.
Tumingin ako sa direksyon ni Daryl na nakikipaglandian pa rin sa dalawang babaeng iyon sa madilim na sulok ng bar. Buti na lamang ay nakuha ko siya sa tingin at tuluyan na akong lumabas.
Saktong pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Cheska. Awtomatikong tumaas ang kilay niya nang makita ako. She crossed her arms at huminto sa harapan ko.
"Bitch." Pabulong niyang sabi ngunit narinig ko naman. Mas lalong umangat ang sulok ng labi ko nang dahil sa sinabi niya.
"I know," tinapatan ko siya sa gilid ng balikat niya. "but I am more than a bitch that you have ever known..." napalitan ng ngisi ang ngiti ko. "Enjoy the night, Cheska." inangat ko ang aking tingin upang makita ang reaksyon niya. Halatang nagulat siya sa pagbanggit ko sa pangalan niya.
Hindi siya sumagot at tuluyan nang pumasok sa loob ng bar. Saglit akong napasulyap sa kanya.
"Kaawa-awang Cheska." usal ko habang napapangiti.
Dumiretso ako sa aking kotse di-kalayuan sa kung saan nakapwesto ang kotse ni Cheska. Nang makaupo sa driver's seat ay agad kong natanaw sa headboard ang aking video camera na pinakita ko kay Daryl noong nakaraang araw. Kinuha ko iyon at binuksan.
Sinuri kong mabuti ang video camera na hawak ko. Hindi ako makapaniwalang nasa akin pa rin ang bagay na ito hanggang ngayon.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakita kong lumabas na sina Cheska at Daryl mula sa loob. Halatang tinamaan ng sobra sa alak si Cheska. Hmm... mukhang magiging maganda ang kalalabasan ng plano ko ngayong gabi na masasaksihan ng karamihan bukas bilang isang mumunting palabas.
Ini-on ko ang video camera at tinapat mismo sa kanilang pwesto. Nagsimula nang gumalaw si Daryl at marahas na hinalikan si Cheska.
Napangiwi ako habang pinagmamasdan si Daryl. Halatang nagugustuhan niya ang ginagawa nilang dalawa.
Napaiwas ako ng tingin ngunit nang bumalik ang paningin ko sa kanila ay nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na eksena. Sinikmuraan ni Cheska si Daryl at padabog na pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kinalampag ni Daryl ang bintana niyon, tila nakikiusap.
"Shit." mahinang asik ko habang inaabot-tingin ang papalayong kotse ni Cheska. Hindi pwedeng mangyari 'to. Dapat matuloy ang pinaplano ko. Lumabas ako ng kotse at hinarap si Daryl.
"Damn you, Daryl! Bakit hinayaan mo siyang umalis?!" asik ko sa kanya at kinuwelyuhan siya. Malakas ang amoy ng alak na nanggagaling mula sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nahihibang na ngumiti.
BINABASA MO ANG
I Know What They Did Last Summer
Mystery / ThrillerA group of six friends. Daryl, the playboy, is the one who loves flirting with different girls in the campus. Antoinette, the beauty, the picture-perfect campus queen. Shawn, the heartthrob, is an ideal boy and every girls' dream. Donnalyn, the chee...