CHAPTER 3

22 3 0
                                    

Sassa Astley




"P-Pinatay mo si Cheska?" nauutal na sabi ko.




Napasuklay siya sa buhok niya. "It's not what I meant to say."




Napabuntong-hininga ako. "May kinalaman ka ba kung bakit nawawala si Cheska?" Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. "Trust me, Antoinette. Kakampi mo ako. Tell me everything."




Ikinuwento niya ang naging plano niya kay Cheska kasama si Daryl. "I challenged Daryl to play with her on bed while recording it. I decided na ipagkalat iyon sa buong campus." Nangingiting sabi niya. "But sadly, it didn't happened dahil may ibang nangyari sa kanya."




May kinuha siya sa kanyang bag, isang pouch. Inabot niya iyon sa akin. Kumunot ang noo ko at kinabahan nang makita ang laman niyon.




"Ito yung..."




"You better shut your mouth." Lumakad siya at huminto sa tapat ng pinto. Lumingon siya sa akin. "Masasagot niyan lahat ng katanungan mo." Tuluyan na siyang lumabas at iniwan ako roon mag-isa.




---


Nang makauwi sa bahay ay diretso akong pumasok ng kwarto ko at in-lock ang pinto. Kinuha ko sa aking bag ang pouch na binigay ni Antoinette at inilabas ang video camera doon.




Kinuha ko ang laptop ko na nasa ibabaw ng side table. Umupo ako sa aking kama at inilapag 'yon sa harapan ko.




Kinuha ko ang memory card ng video camera at nilipat sa laptop ko. Kinakabahan ako sa kung ano man ang matutuklasan ko ngunit nangingibabaw pa rin sa akin ang kuryosidad na bumabalot sa isipan ko. Kaya naman maingat kong hinanap ang recent video at nakahinga ng maluwag nang makita agad iyon.




Huminga ako ng malalim at ini-play ang video. Noong una, medyo malikot ang pagkakahawak sa camera kung kaya't hindi makita ng maayos ang kinukuhanan ngunit kalauna'y naging malinaw ang lahat. Naka-focus ngayon ang kuha kay Cheska na halatang lasing at papunta sa kanyang kotse habang sinusundan naman siya ni Daryl.


Napaiwas ako ng tingin sa monitor nang sumunod ang eksenang naghahalikan silang dalawa. Ini-fast forward ko ang video hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang kuha ni Antoinette na naglalakad sa gitna ng kalsada. Inihinto ko iyon at muling ini-play ang video.




Napatingin ako sa direksyong tinatahak niya. Nakita ko ang isang kotse na nasa mataas na bahagi ng kalsada. Naningkit ang mga mata ko nang mapagtantong si Cheska ang nagmamay-ari ng kotse na iyon.




Napansin ko ang biglaang paghinto sa paglalakad ni Antoinette at ang paglabas ng isang tao mula sa loob ng kotse ni Cheska.




I paused the video at ini-zoom ang kuha mula sa kotse ni Cheska. It wasn't her, but someone anonymous. Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket kung kaya't hindi maaninag ang hitsura nito. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong palakol at isa pang bagay na hindi ko matukoy kung ano.




Ibinalik kong muli ang video sa full screen at pinagpatuloy ang panonood dito.


Binitiwan ng taong iyon ang bagay na hawak nito at gumulong papunta sa kinatatayuan ni Antoinette. Nakita ko ang labis na panginginig ni Antoinette habang nakatingin sa paanan niya. I paused it again at ini-zoom ang kuha sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Pugot na ulo iyon ni Cheska na tila nakatitig sa akin.

I Know What They Did Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon