Third Person's POV
Hindi na makapaghintay si Professor Clinton sa pagdating ng isang panauhin sa kanyang pamamahay ngayong gabi.
Labis na ang pagkasabik niya sa pagdating ni Donnalyn. Maisip pa lang niya ang mangyayaring muli sa kanilang dalawa ngayong gabi, para na siyang dinuduyan sa ulap sa sarap.
Pinaghandaan niya ng lubusan ang gabing ito. Bitbit ang isang wine at dalawang cocktail ay pumunta siya sa kanyang kwarto kung saan nila pagsasaluhan ang kaligayahan. Nakakalat ang maraming rose petals na may iba't ibang kulay sa ibabaw ng kanyang kama habang napapaligiran ng mga scented candles ang apat na sulok ng kanyang kwarto. Inilapag niya ang wine at cocktails sa side table ng kama niya.
Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa tapat niyon. Alas-otso na ngunit wala pa rin si Donnalyn.
Hindi na niya mapigilan ang sarili dahil inip na inip na siya sa paghihintay sa dalaga.Humiga siya sa kama at pinaligaya muna ang sarili. Iniisip niyang si Donnalyn ang nagroromansa sa kanya sa pamamagitan ng imahinasyon niya. Nang matapos sa ginagawa ay hinablot niya sa sahig ang suot niyang boxer at robe kanina at naghintay muli.
Alam niyang kahit anong pagmamatigas ang gawin ni Donnalyn ay hindi ito makakatanggi at susunod pa rin ito sa mga gusto niya. Mayroon siyang hawak na alas na siyang ikinakatakot ng dalaga kaya sa ayaw at sa gusto nito, wala itong magagawa kundi ang sundin ang utos niya.
Tumunog ang door bell ng kanyang bahay, hudyat na dumating na ang dalaga. Napangiti siya.
Hindi na siya nag-abala pang salubungin ang dalaga. Batid niyang didiretso ito papunta sa kanyang kwarto kung kaya't tumayo siya at pumwesto sa likod ng pinto. Sosorpresahin niya ang dalaga. Tiyak na matutuwa ito sa hinanda niyang sorpresa.
Rinig niya ang yabag ng mga paa nito paakyat sa kanyang kwarto.Hindi siya mapakali sa pwesto niya dahil sa sabik na nararamdaman niya. Palakas ng palakas ang yabag na papalapit na sa pinto. Ramdam niyang huminto ang dalaga sa tapat nito. Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang dalagang kanina niya pa nais makita. Iniwan nitong bukas ang pinto at naglakad papunta sa kama. Dahan-dahan siyang lumapit dito at pinulupot ang kanyang mga kamay sa beywang nito. Dinampian niya ng halik ang balikat nito.
"Surprise, sweetie." bulong niya rito. Hindi kumibo ang dalaga, sa halip ay marahan itong lumayo at humarap sa kanya.
Nakasuot ang dalaga ng itim na coat ngunit halata pa rin ang hubog ng katawan nito. Nakasuot din ito ng itim na maskara tulad ng mga napapanood niya sa Mexican movies. Nakaboots din ito ng itim. Mukhang pinaghandaan din nito ang sarili. Nginitian siya ng dalaga na ginantihan din naman niya.
"Did you like it?" Nilingon ng dalaga ang tinutukoy niya. Bumaling ulit ito sa kanya at tumango na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.Nagtataka man sa ikinikilos ng dalaga, hindi na niya pinansin iyon. Ang mahalaga ay hindi na ito nagmamatigas sa kanya hindi tulad kaninang umaga.
BINABASA MO ANG
I Know What They Did Last Summer
Mystery / ThrillerA group of six friends. Daryl, the playboy, is the one who loves flirting with different girls in the campus. Antoinette, the beauty, the picture-perfect campus queen. Shawn, the heartthrob, is an ideal boy and every girls' dream. Donnalyn, the chee...