Antoinette Twain
"Class dismiss."
Nagsilabasan agad ang mga kaklase ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa aming Professor. Kinuha ko sa desk ang mga gamit ko na nakalagay doon at ipinasok sa aking bag. Taas-noo akong naglakad palabas at dumiretso sa ladies' comfort room para mag-ayos ng sarili.
Pagkapasok ko doon ay agad kong nilabas sa bag ang aking purse, kinapa doon ang isang bagay at humarap sa salamin. I put on my very own favorite red matte lipstick and bite my lip. What a boring day.
Pagkalabas ko doon ay napansin kong ako na lang pala ang natitirang tao sa building na ito. The sound made by my stilletos echoed around the hallway. Habang naglalakad ay napapasulyap ako sa bawat vacant room na nadadaanan ko. Nang matapat sa huling vacant room, nagulat ako nang bumukas ang pinto niyon at may humila sa akin papasok doon.
Isinandal ako ng taong iyon sa pader at walang pag-aalinlangan na binigyan ako ng isang mapusok na halik. Tumigil ito sandali sa ginagawa at tinitigan ako habang may nakakalokong ngiti sa labi.
It was Daryl Silva, the infamous playboy of our campus.
Pumaikot ang mga kamay niya sa aking bewang at hinalikan akong muli pababa sa aking panga hanggang sa umabot iyon sa aking leeg.
I admit, it was a breathtaking moment between us but I chose to back-off with it.
"Stop it, Daryl." Sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Napansin kong may bakat ng lipstick ko ang gilid ng kanyang labi. He chuckled and lick the side of his lips.
"What's the problem, darling?" He said in a husky voice while grinning at me. I rolled my eyes at him and walked out of the room. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
"Are you mad?" tanong niya muli sa akin pero hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.
"Antoinette." Awtomatikong napahinto ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Humarap ako sa kanya and crossed my arms.
"What?" Iritado kong tanong sa kanya.
Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Kanina pa kita kinakausap."
"Oh really? Kinakausap mo pala ako. Sorry, I didn't mean to ignore you." Sarcastic kong sabi sa kanya.
Nginisian niya ako. "Tell me."
"Tell you what?" tinaasan ko siya ng kilay. "Imbis na kulitin mo ako, atupagin mo na lang ang pakikipaglandian mo kay Cheska tutal, doon ka magaling."
Humalakhak siya pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko. What the hell is wrong with him?!
"Nagseselos ka ba sa kanya?"
I laughed hard on what he said. "Wait. What? Nagseselos? Tss. Wala akong karapatang magselos sa babaeng 'yun dahil hindi naman siya kainggit-inggit at sigurado akong..." pinadausdos ko sa kanyang dibdib ang hintuturo ng aking kaliwang kamay. "sa akin pa rin ang bagsak mo." I smiled sweetly at him.
Matagal na kaming may relasyon ni Daryl but it's not that serious. Ginagamit lang namin ang isa't isa for our own benefits. I know, Daryl was a certified playboy at marami ng naikamang babae but I can't lose him. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Kaya nga ng malaman kong may relasyon siya sa iba maliban sa akin ay talagang nainis ako. Nadagdagan ang inis ko nang malamang ang malandi at kontrabida sa buhay ko na si Cheska ang kahati ko sa kanya. Oo, laro lang ang relasyon namin at wala akong pakialam sa mga babaeng nakalaro na niya sa kama pero iba talaga ang sitwasyong ito lalo na't nasama rito ang malanding si Cheska. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng iyon. Matatawag na ba 'tong selos?
BINABASA MO ANG
I Know What They Did Last Summer
Misterio / SuspensoA group of six friends. Daryl, the playboy, is the one who loves flirting with different girls in the campus. Antoinette, the beauty, the picture-perfect campus queen. Shawn, the heartthrob, is an ideal boy and every girls' dream. Donnalyn, the chee...