♣ Helpless ♣

3.3K 133 32
                                    

Pagkalabas ni Bran ng interrogation room, lumapit dito ang police officer.

"Sir, ito na po ang susi ng kotse nyo. Nasa likod po ang parking lot." Inabot nito ang susi kay Bran.

"Oo nga pala, isinuko namin ang susi ng mga sasakyan namin bago kami dalhin dito."

"Salamat po sa pagdala ng kotse, sir." Ngumiti ito pabalik sa pulis.

Nang makalabas ng police station si Bran una nyang hinanap si Sitti, nakita nya itong nag-aabang na ng masasakyan sa harapan kaya tinakbo nya ito.

"Sitti! What do you think you're doing?!" Pagkahablot nito sa braso ng dalaga. Napaharap tuloy ito kay Bran.

"Ano na naman ba?! Bitawan mo nga ako!" Nakakunot ang noo nito.

"Bakit mo dinamay si Gelo?! Wala naman syang kinalaman sa pagkamatay ni Khamyl!" Bulyaw naman nito kay Sitti.

"How can you sure about that?! Siguro ikaw talaga ang pumatay 'no?!!" Ngisi naman ng dalaga kay Bran.

"Sit, low down your voice.." pagmamakaawa ni Bran.

"Hmm! Natatakot kang gumawa ako ng eksena dito? Gusto mo yatang bumalik sa presinto?!" Pananakot naman ni Sitti dito.

"No, ang akin lang bakit kailangan madamay pa si Gelo, nananahimik yung tao. Look at these, paano kung.. paano kung sabihin nya ang tungkol kay Anrea? Pareparehas na tayong sasabit." Nag-aalalang tono ng binata.

"Hahaha! Lumabasa din ang totoo! Eh di, kill him!!" Pabirong sagot nito kay Bran.

"Sit, bakit ka ba ganito? Parang wala lang sayo ang lahat!"

"Nakakatawa ka Bran, kanina lang gusto mo nang ipagtapat sa police ang lahat, now you're with us?? At concern ka pa sa'min ha?" Sarcastic Sitti.

Walang masabi ang binata. Magaling talaga si Sitti pagdating sa arguementation.

Bran grab her on the wrist. "Halika, sumama ka sa akin, dito ka na sumakay." Tumuro ito sa parking kung saan ipinarada ang kotse nya.

"Ayoko! Bitawan mo ko!" Hinatak ni Sitti ang kamay nya.

"Gusto ko lang makapag-usap tayo ng masinsinan. Pag-usapan natin ito ng maayos. Seryoso ito." Sabi naman ng binata.

Nang biglang may dumaan na police, kaya agad na binitawan ito ni Bran at bahagyang naglayo ang dalawa.

Nang maka-layo na ang pulis.

"Sumama ka na sa akin, ihahatid na kita sa inyo. Wala ka bang kotse? Yung kay Trev?" Concern pa rin si Bran sa kaibigan.

"Hindi ko pwedeng gamitin yung kay Trev, kasama daw yun sa ebidensya. And i already called my Mom for a ride!" Sabay irap kay Bran at tumalikod ito.

Saktong may pumara na isang sasakyan, binaba nito ang bintana ng kotse.

"Mom!!" Tuwa ng dalaga ng makita ang nanay.

"Sitti hija!! Ano bang pinagagagawa mong bata ka ha?!" Naiinis na tanong nito sa anak.

Bago pumunta ang dalaga sa nanay nito ay nilingon nya si Bran.

"Don't worry Bran, kilala ko si Gelo. I know magagawan nya yun ng paraan." Sabay takbo papapunta sa kanyang magulang at sumakay na ng kotse.

Napapa-iling na lang ang binata na tumalikod at tinungo ang kanyang sasakyan at nag-drive na din ito palayo ng police station.

☆☆☆☆☆

Samantala sa loob ng sasakyan ng mommy ni Sitti.

"Ano ba 'tong pinasok mong gulo? At sa presinto pa talaga kita susunduin?!" Nanggagalaiti nitong pinagsasabihan si Sitti. Diresto pa rin ang tingin nito sa kalsada.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon