"Aahhhhh!!!"
Nagliparan ang mga ibon sa kagubatan sa lakas ng sigaw ni Trev. Putol na ang kaliwang kamay nito.
Mula kasi sa harapan ni Trev ay lumipat ito sa tagiliran niya ng hindi nya namamalayan, dahilan para ang kamay nito ang mahati at hindi ang kadena ng posas.
"Ahhhhh!! What the?! Papatayin mo ba 'ko!! Argghhh!! IDIOOTTT!!" maluha-luhang sabi ni Trev. Gumugulong ito sa lupa sa sakit, hawak ang naputol nitong braso.
Sumisirit pa ang napakaraming dugo mula dito, at gumagalaw pa ng bahagya ang mga daliri ng kamay na nahiwalay sa kanyang braso.
"GET A F*CKIN' ALCOHOL!!! A**HOLE!! Ahhhh!! Ouch!! Ouch!!" Iniinda pa rin nito ang sakit na nararamdaman. Natataranta.
Natawa naman ang kasama nya sa ideyang nagpakuha lang ito ng alkohol para sa tinamo nitong sugat.
"Ahhh!! Ano pang nginingiti-ngiti mo dyan?! Bilisan mo maglakad! Idiot!!" Galit na galit na utos ni Trev.
Casual naman itong naglakad papunta sa cabin at pumasok ito sa loob para kumuha ng alcohol. Nagsuot ito ng makapal na gwantes. Naririnig nya mula sa labas ang pagsigaw ni Trev at ang pagmumura nito sa kapalpakan na ginawa nya.
"Walang hiya ka! Napaka-tanga mooo!! Aaahhh!!"
Lumabas naman ito dala ang hinihingi ni Trev. Dahan-dahang lumapit ito sa kinaroroonan ng naputol nitong kamay at pinulot ito. Nagtataka naman ang binata sa ginawa ng taong nagligtas sa kanya.
"Hoy! Ano yan?!" Pagtataka ni Trev, basang basa na ang mukha nito sa luha at halos tumulo na ang sipon.
Nilapag ng misteryosong tao ang naputol na kamay ng binata sa chopping board, kung saan tinaga ang kamay nya. Binuhusan ito ng alkohol.
"Siraulo! Hindi yan! Ang bobo mo!" Tinutukoy ni Trev ang paglagay nito ng alkohol sa naputol na kamay nya.
"Ahahahaha!!" Natawa naman ito, sabay isinuksok ang kamay sa bulsa. Dumukot ng lighter, at sinindihan ang putol na kamay.
"Ah?! Ahhh!! Ahhhhhh!!" Napatili si Trev na parang babae, lumiit ang boses nito sa sobra naring takot at pag-iyak.
Nakaupo sya sa lupa habang pinagmamasdan ang nasusunog na parte ng kanyang katawan, umaalingasaw ang masang-sang nitong amoy habang natutusta sa apoy.
Unti-unting napapa-atras si Trev.
"A-ano ka ba?! Ta-tao ka ba?! Ha?!!!" Naluluha pa din ito, umaatras sya gamit ang mga binti at nakahawak sa parteng naputulan. Nakakaramdam na sya ng kakaiba sa kasama, nakakaramdam na sya ng pagkatakot.
Naglakad ito papalapit sa kanya at umupo sa harapan nya. Dahan-dahang inilapit nito ang mukha nya sa takot na takot na binata. Bumulong ito kay Trev at sinabing..
"I told you... you're already payed.. hahaha!!"
"Waaaa!!!" Walang humpay na sigaw ni Trev.
Tumayo na ang taong ito at naglakad palayo sa binata, dinampot nito ang palakol. Paglingon nito sa kinaroroonan ni Trev ay wala na ito sa pwesto, nakita na nya itong nananakbo palayo. Mabilis syang kumilos at kumuha ng barb wire.
Humihingos sa pagtakbo ang binata, hawak-hawak pa din ang sugat na tumatakbo sa gitna ng kakahuyan. Iika-ika pa rin ito, sinubukan nyang lumingon sa likod ng makalayo. Nakita nyang nakasunod na ito at mabilis na naglalakad. Binilisan nya ang pagtakbo, habang patuloy sa pagluha ang kanyang mga mata.
"No, please not here.. gusto ko pang mabuhay!"
Napagod si Trev, kaya lumingon lingon ito sa paligid. Nakakita sya ng malapad na puno, naisip nyang magtago dito.
Ang killer naman ay mahinahong naglalakad at hinahanap ang binata, tumitingin ito sa lupa. Bakas ang mga patak ng dugo ni Trev na galing sa sugat nito. Ito ang hindi napansin ng binata.
*huff* *huff* *huff*
Mabilis ang pahinga ni Trev, ramdam din nya ang kirot at hapdi ng sugat nya. Tinignan nya ito, nakalabas ng kaunti ang durog nitong buto at namumuo na ang dugo sa sugat nya, parang malagkit na gelatin. Napapansin din nya ang tuloy-tuloy na pagbulwak ng dugo sa kanyang sugat, tumutulo ito sa lupa.
"Sh*t!!" Nang marealize nya na maari syang matunton sa mga bakas ng dugong iniwan ng sugat nya, agad syang umalis sa puno at nang akmang tatakbo na sya ay sumabit paikot sa mukha nya ang barb wire. Ang mga tinik nito at bumaon sa kanyang mukha at mga mata.
"Aahhhh!!!" Sigaw nito sa panibagong sakit na dulot sa kanya ng pakatusok sa tinik ng barb wire.
Hinatak syang bigla ng killer gamit ang barb wire, parang tali lang ito na ginagamit ng mga cowboy sa rodeo. Halos mapunit na ang balat ni Trev sa pagkakahila sa kanya, dahilan para lalo syang makaramdam ng sakit.
Wala nang paningin ang binata, dahil sa pagkakabaon ng mga tinik sa kanyang mata. Patuloy ito sa pagdurugo, nakaramdam na din sya ng pagkahilo sa labis na pagka-ubos ng dugo, kaya napaluhod na ito.
Hinigpitan pang lalo ng killer ang barb wire na nakapalibot sa ulo ni Trev na parang nagsisintas lang ito ng sapatos. Nasa likuran lang sya ng binata.
"Pa-parang aw-a m-mo naaa!!" Nauutal at halos nauubusan na ng hiningang pagmamaka-awa nito.
Kahit nanghihina ay pilit na inabot ni Trev gamit ang natirang kamay ang barb wire na nabuhol sa mukha nya, ngunit bigo sya. Nanghihina na ang binata at bumagsak na ang kamay nito.
Pahigpit ng pahigpit ang kable sa ulo ni Trev, hintak pa ito ng hinatak ng killer, nanginginig pa ang mga kamay nito sa gigil. Hanggang sa sinagad nya ang paghigpit dito at nagtalsikan na ang mga dugo sa mukha nya.
Nahati ang ulo ng binata at tumumba ang katawan nito sa mga tuyong dahon. Sumabit pa ang bao ng ulo nito sa alambreng ginamit sa kanya. Nangingisay ang katawan nito na walang buhay, patuloy ang pag-agos ng dugo sa bukas nitong ulo.
Itinapon ng killer ang alambre sa tabi nya at nagpunas ng mukha, nilapitan nya ang katawan at may kinuha sya mula sa kanyang likuran, isang combat knife. Inukitan nyang muli ang kanyang biktima pagkatapos ay nagtalukbong na sya ng hood sa kanyang damit at iniwan si Trev.
☆☆☆☆☆
Minesfiller Police Station
"Chief! May balita na kay Trev. Magugulat kayo!" Sabi ni Rico, assistant police ni inspector Carlos. Humihingos papunta sa opisina ng inspector, naabutan naman nya ang inspector na nakaupo.
"Sige lang officer Rico, ano yun?" Tanong naman nito.
"Natagpuan na si Trev.." sagot ni Rico.
"Good! Then lock him up!" Agad na putol ng inspector sa pagsasalita ng assistant nito.
"No sir, we can't. Natagpuang patay si Trev sa isang abandunadong bahay sa gitna na kagubatan. Kagimbal gimbal ang sinapit ng pagkamatay nya, putol ang kaliwang kamay at hinati ang ulo gamit ang barb wire!."
"What?!" Gulat ni inspector Carlos.
"Malamang naunahan na tayo ng mga sindikatong pinagtatrabahuan nya! Bwisit!" Dagdag pa ng inspector at napadabog ito sa kanyang desk.
"At saka Chief, may nakitang marka sa dibdib ng biktima. Hindi namin maintindihan kung ano yung nakaukit dito sa dami ng hiwa sa dibdib nya... pero parang letra." Pahabol ni Rico.
"Anong nakaukit?" Tanong ni inspector Carlos, may pagtataka din sa mukha nito.
"Z marking, sir.. Z marking."
- End of Chapter 10
♧ Salamat sa patuloy na pagsuporta, keep on voting and don't forget to comment. Alabyo :)♧
BINABASA MO ANG
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]
Misterio / SuspensoA fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi lang Multo at Aswang ang nakakatakot! Guess the Killer game. Para kang naglalaro kapag sinimulan mo nang magbasa. ★ Clue: Read between the...