A/N: Pasensya na sa mga pinasasalamatan ko, hindi talaga kayo magkakasya sa dedication kaya sinusulat ko na lang mga names nyo dito. Paumanhin po, sana patuloy pa rin kayo sa pagbabasa at supportahan natin ang iba pang gaya ko. :)
Minesfiller Police Department
Sa loob ng opisina ni inspector Carlos, nakalatag sa kanyang desk ang mga litrato ng magkakaibigan, ang mga papeles ng mga information na nakabukod sa tig-iisang folder, kasama ang kanilang mga statements during interrogation.
Inalalang mabuti ng inspector ang lahat ng mga pangyayari, ang mga patayan ang mga ebidensya habang minamasahe ang kanyang ulo.
Natandaan nya ang unang biktima sa magkakaibigan, si Khamyl. Ang markang inukit sa katawan nito, ang letrang A.
Sabay napatingin sa larawan ni Trev.
Naalala nya din ito, hindi bilang biktima kundi suspect, pero pinatay ito ng pinaghihinalaan nyang sindikato. Ngunit, nagkamali sya ng akala ng makumpirma sa isa sa mga tauhan ng sindikato na hindi kabilang si Trev dito.
May naiwan din itong marka, muli nyang sinilip ang litrato ng bangkay ng biktima kung saan nakaukit ang sinasabing marka, marami itong hiwa ngunit mahahalata mo ang letrang Z dito.
"Ano bang ibig sabihin ng letrang A at Z?"
At ang ipinagtataka pa nya dito ay ng may ma-trace na DNA ni Trev mula sa dugong nakita naman sa kutsilyong nasabat kay Gelo ng gabing mahuli ito sa tinitirahang bahay.
"Bakit may nakitang dugo ni Trev sa kutsilyong ginamit ng killer? Hindi kaya.."
Ang pinakahuling namatay, si Gelo. Pinaghinalaan nila na ito ang gumagalang serial killer. Nakausap nya naman ito at meron syang alibi na magpapatunay na hindi talaga sya ang suspect.
"Ang mga ebidensyang nakuha kay Gelo, nagpapatunay na ginamit talaga iyon ng killer kay Khamyl at Trev, ibig sabihin ba nito ay iisang tao lang ang pumatay sa kanila?"
"Totoo kaya ang kwento nyang nagkataon lang na sinalakay sya ng Claw ng gabing iyon, at hindi talaga sya ang killer?"
"Paano kung nagsasabi sya ng totoo? Paano kung biktima din sya?"
"Pero bakit silang magkakaibigan ang puntirya?" Sigurado akong may kinalaman ang dalawang iyon dito, hindi ako nagkamaling pabantayan sila kay Rico."
"Mukhang may hindi sila sinasabi sa akin."
*door knocks* Tok! Tok! Tok!
"Come in." Sabi ni inspector Carlos.
"Chief, natagpuan na po ang katawan ni Gelo. Ayon sa ating forensics team mukhang pinatay po sya." Ulat ng isang pulis ng makapasok ito sa kanyang opisina.
Nagulat ang inspector kaya nahalata naman ito ng pulis at napatigil sa pagsasalita. Huminahon naman agad si inspector Carlos.
"Sige ituloy mo." Utos nito.
"Nakita po kasi ang katawan nya na nasunog may nakadagan po dito na mga piraso ng tangke, mukhang pinahirapan po ang biktima dahil may naiwan pang palakol na nakatarak sa binti nito. Ang katawan pong yun ay nag match sa ulo na natagpuan natin sa labas ng hospital." Pagkukumpirma ng pulis.
"Okay, maraming salamat sayo." Pagkapasalamat ng inspector ay agad ng lumabas ang pulis ng opisina.
"Isa na lang ang dapat kong hintayin, para makasigurado sa hinala ko. Umaasa ako sayo Rico."
BINABASA MO ANG
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]
Mistério / SuspenseA fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi lang Multo at Aswang ang nakakatakot! Guess the Killer game. Para kang naglalaro kapag sinimulan mo nang magbasa. ★ Clue: Read between the...