"As per checking sir.. nabayaran na po sya ng kaibigan nyo kanina." Pangungumpirma ng kausap ni Gelo mula sa kabilang linya.
"Pe-pero.. wala akong kasama! Mag-isa lang ako dito." Sagot naman ng binata dito.
"Yun po kasi ang sinabi ng delivery boy namin sir, hindi naman po sya aalis dyan kung hindi pa po bayad yung order." Paninigurado nito.
"O-ok.. thanks." Nagpatalo na lang sya para matapos na ang usapan at ibinaba ang telepono.
Napag-isip ang binata sa nangyari, kinilabutan syang bigla. Biglang nag-iba ang pakiramdam nya sa paligid, he felt something different, masyadong tahimik. Kakaibang katahimikan ang bumalot sa buong bahay na ngayon lamang niya na experience, sanay naman siya na mag-isa ngunit iba ngayon, parang... parang may iba syang kasama.
Nakaharap sya sa monitor ng TV ng mga oras na iyon, naka upo sa sahig ng kanyang sala.
Nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo nang biglang nakaramdam sya ng lamig mula sa kanyang pisngi, parang malamig na bakal. Lumingon sya ng bahagya, tumirik ang mga mata nya sa nakita, tatlong matatalas na patalim ang nakapatong sa kanyang balikat na nakadikit sa kanyang mukha, The Claw.
Napaatras sya patalikod sa monitor, dahil nagulat sya sa itsura nito. A person wearing a white mask of a cat and in all black suit, raising his claw, getting ready for the next victim.
"Waaah! Si-sino ka?!" Gulat nito at medyo nangingig pa ang boses.
Hindi ito umiimik. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya, ginagalaw galaw ang ulo na parang nangingilala sa biktima.
Unti-unti namang napapa-atras si Gelo.
"Sino ka?! Wag ka magbiro ng ganyan?! Trev??" Panghuhula ng binata kung sino ang nasa likod ng maskara.
Akmang iwawasiwas na ng killer ang kanyang claw nang biglang tumayo agad si Gelo na natutumba-tumba pa sa sahig.
"Waaaah!" Nagsisisigaw ito habang nananakbo, paakyat ng bahay.
Hinabol naman sya nito. Mula sa hagdan ay nahatak ang binata sa kanyang kanang paa, dahilan para ma-out of balance ito, napaupo sya sa step ng hagdan. Aambahin na naman siya ng claw ngunit mabilis nyang sinipa ito at natamaan sa mukha, kaya mabilis syang naka-gapang paitaas.
Sa sobrang inis ng killer ay tinanggal na nito ang kanyang maskara at itinapon.
Si Gelo naman ay mabilis na nakatayo patakbo sa kanyang kwarto, isinara nya ang pinto at ni-lock ito nang marinig nya ang mabilis na pagtakbo ng killer papunta sa kanyang silid. Pagkasara nya dito ay kumalabog agad ang pintuan.
*slaming the door* Boogg! Bogg!
Nagmamadali ang binata na makatakbo sa bintana ng kwarto. Binuksan nya ito, dumungaw sa labas at sumigaw para humingi ng tulong. Tahimik pa rin ang paligid, kaya nag-isip sya. Tuloy pa rin ang kalabog ng pinto.
Muli nyang binuksan ang bintana, inilabas nya ang kalahati ng kanyang katawan, ngunit saglit syang natigilan nang pahakbang na ito sa labas dahil medyo madulas ang bubungan.
"Ah! Bahala na!" Pagpapalakas ng loob nito sa sarili.
Booogg!! Blag!
Nabuwag na ang pinto, kaya ng marinig ito ni Gelo ay nagulat sya at kamuntikan pang mahulog. Napatingin sya sa bintana at nakita nyang papalapit na sa kanya ang killer, kaya dahan dahan nyang tinawid ang kanilang bubungan.
Iniwan ng killer ang claw nito at humakbang na din palabas ng bintana, sabay dukot sa likod nito ng kutsilyo nang makalabas.
Sinusundan pa rin si Gelo nito, kaya minadali ng binata na makarating sa dulo.
BINABASA MO ANG
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]
Mystery / ThrillerA fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi lang Multo at Aswang ang nakakatakot! Guess the Killer game. Para kang naglalaro kapag sinimulan mo nang magbasa. ★ Clue: Read between the...