Habang naghihintay sa labas si Bran ay binabagabag naman siya ng mga sinabi sa kanya ni Sitti, paulit-ulit nyang naririnig ito sa kanyang ulo.
"Sir pumasok ka na sa loob, hinihintay ka na ni inspector." Tawag sa kanya ng police officer mula sa pintuan.
Tumayo naman siya agad. Nakita nya si Sitti papalabas na ng interrogation room, kaya sinalubong nya ito. Bago lampasan ni Sitti si Bran ay tumigil ito.
Nagkatinginan lang sila, nginitian naman siya ni Sitti. Nagtaka si Bran, parang ibang tao na ang lumabas sa loob ng kwarto. Kampante ito at hindi na kabado.
★ BRAN'S POV ★
"What's on her mind? She is unpredictable. Kanina lang halos masiraan na sya ng bait kakaisip kung paano makakalusot sa ginawa namin kay Anrea, ngayon parang may malaking alas na sya."
"Bran, maupo ka na." Hindi ko namalayang nasa harapan ko na si inspector Carlos.
"May problema ba?" Usisa pa nito sa akin.
"Wa-wala naman ho." Matipid ko syang nginitian.
"Hijo, alam mo naman na hindi maikakaila na may point ang mga kaibigan mo. Tama sila, ikaw ang nauna sa crime scene, ikaw ang unang naabutan namin doon. Ang tanong ko sayo.. anung ginagawa mo sa bahay ng biktima? Bukod sa kaibigan mo sya, ano ang dahilan ng pag punta mo sa kanila?" Sunod sunod na tanong sa akin ni inspector Carlos.
"Anung gagawin ko?! Sasabihin ko na ba?"tanong ko sa sarili.
Alam kong tatanungin ako tungkol dito, pero parang hindi ko ito napaghandaan.
"Bran, i'm warning you.. kapag sinabi mo ang tungkol kay Anrea. Sinasabi ko sayo, magsisisi ka."
"Sasabihin ko naman na ikaw ang pumatay kay Khamyl which is true."
"Totoo man o hindi wala akong pakialam Bran."
"Mapapababa ang kaso ko at gagawin pa nila akong state witness then the table turns."
Matagal bago ako nakasagot sa inspector, napagtanto ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Sitti. Nakapag-desisyon na ako.
"Let me re-phrase is Bran, I didn't want to offend you but, uulitin ko.. may dahilan ka ba para paslangin ang iyong kaibigan?" May diin sa bawat bitaw nya ng mga salita.
"N-no sir, wa-wala po akong any reasons to do that." Naalala ko ang mukha ni Anrea habang sumasagot sa inspector. Parang may nagpapakilos sa akin na sabihin ang mga bagay na iyon.
"Nandun lang po talaga ako para bumisita sa kanya. I swear, kararating ko lang din nang dumating kayo." Paliwanag ko pa dito.
"Patawad Anrea gustuhin ko man na mabigyan ka ng katarungan, ngunit ayoko naman makulong sa bagay na hindi ko kasalanan."
Labag man sa loob ko, pero tama si Sitti. Kapag walang nakuhang makakapagpatunay na ibang tao ang pumatay sa kanya. Ako ang ituturo ng lahat ng ebidensya.
"Kung ganun, hindi ka pamilyar sa letter A na nasa likod ng biktima?"
Napalunok ako ng laway. "Hindi po."
"Siguro pinaglalaruan kayo ng suspect! Tama! Nag-iiwan sya ng mga clue!" Medyo tinaasan ko ang boses ko, yung tipong makukumbinsi sya sa tono ko.
"Malamang tama ka, siguro nga this is a ramdom killing of a serial killer at wala kayong kinalaman. Pero papa-iimbestigahan ko pa rin si Gelo." Sabi niya.
"Gelo?" Taka ko.
"Yes, Gelo. He is also your friend right?" Tumango ako.
"Well, my nakapag-inform kasi sa akin na obsess daw itong si Gelo sa kaibigan mong si Khamyl, and we're looking into that side of angle. So kailangan namin syang imbitahan dito."
"I-i see." Tanging nasagot ko sa kanya.
"Ok Bran, thank you for your cooperation." Sabay abot ng kamay nito sa akin para makipag-kamay.
Papalabas na sana ako ng pinto.
"Bran! Sandali!" He stopped me.
"Ba-bakit po?" Wala akong ideya kung bakit pa ulit nya ako tinawag.
"Yung kamay mo, punong puno na ng dugo yung benda, palitan mo na yan." Sabay ngiti nito sa akin.
Automatically I answered. "Naaksidente po kasi ako." Tinawanan ko naman sya.
"Sige, you can go now." Wala naman itong pagdududa sa tingin ko.
☆☆☆☆☆
Sa loob ng kakahuyan.
Malayo na ang itinakbo ni Trev, halos iika-ika na ito maglakad. Tagaktak ang pawis at maduming madumi ang katawan, nakaposas pa rin ang mga kamay nito.
"F*ck!! Kung nakuha ko lang sana agad yung susi!" Sinisi nito ang sarili.
"Dito! Dito!!" Sigaw mula sa di kalayuan.
Nakarinig na sya ng mga tao sa malapit. Mukhang natunton na ng mga pulis ang kinaroroonan nya. Pinilit nyang bilisan ang pagtakbo, kahit nararamdaman na nya ang kirot ng pilay sa kanyang paanan dulot ng pagkakabunggo ng sinasakyan kotse.
Pagod na pagod na si Trev katatakbo, binagalan nya ng konti ang pagtakbo dahil hindi na nya naririnig ang mga pulis humahabol sa kanya, ngunit...
Tugu-dugu-dug-gudu-gudug!!!
Nakarinig sya ng malakas na ingay mula sa himpapawid, ang police helicopter. Nakalimutan nya ang tungkol dito.
Muli ay pinilit nyang makatakbo at mahalos mapa-iyak na ito.
"Mommy!! I don't wanna go in jail!!" Sabi nito habang umiiwas makita ng helicopter.
Nakalabas sya sa maliit na kalye at halos madapa na ito at masubsob. May biglang tumigil na sasakyan sa harapan nya at bumukas ang pinto nito.
"Ikaw??"
- End of Chapter 8 part 3
Sino ang nagligtas kay Trev???
BINABASA MO ANG
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]
Misterio / SuspensoA fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi lang Multo at Aswang ang nakakatakot! Guess the Killer game. Para kang naglalaro kapag sinimulan mo nang magbasa. ★ Clue: Read between the...