♧ Bloody Ending 2 ♧

2.9K 104 27
                                    

A/N: Hayyy.. eto na ang pinakahihintay nating lahat ang huling dalawang kabanata. Wag kayo magmumura sa mga mangyayari ah? LOL

Nakatakbo palabas ng bahay si Anrea, patuloy pa rin ito sa pagluha.

Mabilis nyang tinungo ang malapit na kotse, ang sasakyan ni Sitti ngunit sarado ito. Naalala nya na wala din syang dalang susi ng kanyang sasakyan, kaya tinakbo naman nya ang nakapark na kotse ng inspector nagbukas ito ngunit wala ding susi.

Nakarinig sya ng pagbukas ng pinto ng bahay, kaya nagmadali syang tumakbo at lumabas ng kalawanging gate.

Sa labas, nakita naman nya ang sasakyan ni Bran.

"Si Bran.." biglang sumagi sa isip ng dalaga ang kasintahan.

Naisip nyang balikan ito ngunit nang makita nya na nakatayo na ang killer sa may pintuan ay nagbago ang isip nito at tumakbo na palayo.

"Wag ka mag-alala Bran, babalik ako. Hihingi lang ako ng tulong."

Nilapitan nya ang sasakyan at pinihit ang pinto, nagbakasakali syang mabuksan ito ngunit bigo pa rin sya.

Hingal na hingal na sya katatakbo sa main road nang makita nya ang kalapit na bahay. May ilaw sa loob nito.

Agad nya itong pinuntahan.

"Tulong! Tulong! Papatayin nya kami!" Sigaw nito habang inuuga ang gate.

Walang sumagot kaya naisipan nyang akyatin ito para makapasok sa loob, marahil ay hindi sya naririnig ng nakatira dito.

Akmang aakyat na ito ng biglang may sumita sa kanya.

"Hoy! Anong ginagawa mo ha?" Isang matabang babae ang lumabas ng bahay, naka-uniporme ito ng katulong.

"Manang! Tulong po! Tulungan nyo kami!-" hindi pa tapos magsalita si Anrea ay pinutol na ito ng katulong sa pagsasalita.

"Bawal mamalimos dito! Lumayas ka!" Nasabi ito ng katulong dahil sa itsura ni Anrea puno ng dugo ang damit nito, madumi at wala sa ayos ang itsura.

Nagmakaawa naman ang dalaga.

"Hindi po! Please let me in! Ate, dali na! Mamamatay ako dito!" Sabi ni Anrea.

"Ay naku! Wag mo nga ako pinaglololoko bata ka! Modus nyo yang mga magnanakaw! Dyan ka na!" Tumalikod ang matabang babae.

"Noo! Please!" Ipinasok ni Anrea ang kamay sa pagitan ng gate, akmang inaabot ang ale at patuloy sa pagsusumamo.

Humarap naman ito.

"Sya nga pala! Subukan mo ulit umakyat dito, baka barilin ka na ng mga amo ko!" Babala nito kay Anrea.

Wala syang nagawa, nawala na sa paningin nya ang babae, sabay nakarinig sya ng pag-ugong ng makina galing sa sasakyan. Naririnig nya ito mula sa direksyon ng kanyang pinanggalingan.

Nataranta si Anrea, hinala nya na kinuha ng killer ang isa sa mga susi ng sasakyan para mahabol sya nito.

Wala na syang ibang naisip kundi tumakbo sa loob ng kakahuyan para hindi sya maabutan ng killer sa main road, kung sakaling ito nga ang nagmamaneho.

Umalis na sya sa harap ng bahay at mabilis na pumasok sa masukal na kakahuyan ng village.

Naririnig nya ang papalapit na ugong ng sasakyan kaya tumakbo sya ng tumakbo na parang walang bukas at halos masubsob na ang mukha.

Hindi na nya naririnig ang sasakyan ngunit napansin nyang unti-unti nang dumidilim ang paligid.

Hingal na hingal ang dalaga sa pagtakbo.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon