"Tell what?" Tanong ni Sitti.
"The truth!" Sagot naman ni Gelo.
"What?! No way! Hindi mo sasabihin! Sisirain mo lang ang mga plano ko." Tutol ng dalaga.
"You're ridiculus Sit! Hindi mo ba alam sinisira mo na ang buhay namin! Pati ako na walang kinalaman dinamay mo!" Sumbat ni Gelo.
"Please, please Gelo.. calm down, i can make you out of this situation. I promise, let's have a deal, ok?" Amo ni Sitti sa binata.
"A deal? Nagpapatawa ka Sit... hindi ako makikipagkasundo sayo kapalit ng kalayaan ko, I'm not guilty!" Sabi naman ni Gelo.
"You're not guilty, pero lahat ng evidence ikaw ang tinuturo! Do you think, you have a choice?! It's either mabulok ka sa bilangguan or maki-pagcooperate ka sa akin!" Asik nito sa binata.
"You're really a demon." Frustrated at gulong gulo na si Gelo, pakiramdam nya wala syang magagawa.
Huminga si Sitti ng malalim.
"Don't worry, i will make sure na you're going out of this mess. Pwede ako tumestigo pabor sayo, dahil hindi mo naman talaga pinatay si Khamyl di ba?" Mahinahon nitong kinukumbinsi ang binata.
"Of course not! Siraulo ka pala eh!" Sagot ni Gelo dito.
"Ok, so nagkataon lang talaga na napatay si Khamyl ng ibang tao, right?" Paninigurado ni Sitti.
"Ano bang sinasabi mo?! Nagdududa ka ba sa akin?! Ha?!" Naaasar na sinagot naman ni Gelo.
"Napanood ko kasi sa TV yung about sa conference, nakuha sa bahay mo yung mga evidences na ginamit ng serial killer." Paliwanag ni Sitti.
Napapailing si Gelo sa mga bigat na sitwasyon na naririnig nya mula kay Sitti.
"Hindi ako makapaniwala! Baka mga costume ko lang yun! Di ba nagco-cosplay ako!" Depensa ng binata.
"Hindi naman sila magpapa-press conference kung hindi sila sigurado sa hawak nilang ebidensya." Sabi nya kay Gelo.
"Ano ba?! Kakampi ba kita or..." biglang may naalala si Gelo. "Tama! Yung killer na pumasok sa bahay ko! Sya ang may ari ng mga yun! Pinagtangkaan nya rin akong patayin!" Mabilis na pinaliwanag ng binata kay Sitti.
"You mean na frame-up ka?" Nangingiting sabi ni Sitti.
"Hindi ko alam kung frame-up, pero tingin ko coincidence lang na naiwan nya ang gamit nya, kasi balak nya talaga ako patayin eh. Lumaban lang ako kaya hindi nya ko natuluyan." Kwento ng binata.
"Sobra namang coincidental nun, killer ni Khamyl ang nagtangka din sa buhay mo? Hindi kaya kilala ka nun?" Tanong ni Sitti dito.
"Ewan, naguguluhan ako! Di ba wala namang pinipili yung killer na yun?" Kumunot ang noo ni Gelo sa sobrang pag-iisip.
"Don't worry naniniwala ako sayo, so are we on a deal?" Sabay banat ni Sitti tungkol sa pagtatago ng sikreto kay Bran.
Narealize ni Gelo na hindi kasalanan ni Sitti lahat, instead ito pa ang nagsalba ng kanyang buhay kaya may dumating na mga pulis sa bahay nya. Ang tanging utang lang nito sa kanya ang pagdawit nito sa kanyang pangalan, na handa namang pagbayaran ng kanyang kaibigan.
" *sigh* Okay, im not going to tell Bran, just make sure na maki-clear ang pangalan ko dito once na tumestigo ka in favor of mine. Ayoko maging instant celebrity sa ganitong paraan." Paniniguro nito kay Sitti.
"Ok good. Ako na ang bahala kay Bran sasabihin ko din naman sa kanya ang lahat, ayaw lang namin masangkot sa pagpatay baka kasi gawing motibo sa amin yun." Tinutukoy ni Sitti ang paglilihim sa nangyari kay Anrea.
BINABASA MO ANG
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]
Misterio / SuspensoA fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi lang Multo at Aswang ang nakakatakot! Guess the Killer game. Para kang naglalaro kapag sinimulan mo nang magbasa. ★ Clue: Read between the...