Mallory POV,
"Umalis ka diyan jasper, kama ko yan!"
Kainis, kanina pa naka higa sa kama ko ang mokong yan.
"I will never get out kung di ka papayag"
"Wala nga akung bilihin. Sayang lang sa oras ko ang pag lilibot, may gamit ako diyan at hindi ko na kailangan pa bumili"
Dadamayin pa ako sa kalokohan ng lalaking toh, pwede namang bumili siya ng mag-isa.
"Babae kung wala kang bibilhin, samahan mo nalang ako"
Putik talaga to oh, dagdag lang talaga sa oras ko ang mag libot at makisalamuha sa mga tao sa labas..
Hindi ako nag salita, nag desisyon nalang akung tumalikod at hahakbang na sana ngunit..
"Kilala mo ako Mallory Quinzel----"
"Oo na doraemon, kaya umalis ka na sa kwartong ito at mag aayos na ako"
Inis na lingon ko sa kanya sabay turo sa pintuan.
"Good girl *smirk*"
lonyang lalaking to. wagas mang bara. parang asong ulol pa ngumiti.
Ano pa nga bang magagawa ko, eh sa di titigil ang mokong iyon.
--------
"Nakakapagod pala mamili babae, kumain muna tayo dun."
Sabay hila niya sa akin. Kanina pa ako hila hila ng lalaking to. tsk.
hindi ko nalang siya inintindi. Tumingin tingin nalang ako sa mga taong nadadaanan namin sa pag mamasasid ko ay nahagilap ng aking mga mata ang isang babae, isang babaeng humikib..
Mag isa lang itong nakaupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa restaurant na aming pinuntahan. May mga pag kain na naka patung sa kanyang lamesa ngunit dalawa ito ang isa ay sa kanya at ang isa ay katapat niya. Ngunit wala namang tao dito.
Nilingon ko ang lalaking kasakasama ko na nag o-order hawak ang menu at ng naka siguro n ako na hindi naka tingin sa akin ang mokong ay tumingin akung muli sa babae.
Sakto namang naka tingin ito sa akin kaya hinubad ko ang eye glasses ko at tumingin sa kanyang mga mata at nakita kung bakit siya umiiyak.
Isang lalaki ang kasakasama niyang kumakain sa restaurant ding ito kung saan kami kumakain siguro ay kasintahan ito ng babae sapagkat kanina pa ito napaka sweet at nag papansin sa lalaki ngunit isa lang ang sinabi nito sa babae.
"Pwede ba jenny, sobrang kulit mo, ayoko sa mga katulad mo, at pwede ba wag kang umarteng maitatama mo pa ang mali mo.. Break na tayo."
Marami ang nag tinginan sa kanila, marami rin ang nag bubulungan.
Tumayo ang lalaki at iniwan ang babae na umiiyak..
"Babae?"
Agad akung nabalik sa kasalukuyan dahil sa makong natu kaya binalik ko ang eye glasses ko at binalik din ang tingin ko sa kasama kung lalaki na tapos na mag order.
"Anong nakita mo sa kanya? Malungkot kase siya. Kaya mo bang baguhin ang nakaraan niya?"
Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Pag ibig, at alam mong hindi ko kayang baguhin ang nakaraan ng isang tao kung ito ay dahil sa isang pag ibig, dahil ito ay naka takda na, hindi na dapat baguhin pa."
Nilingon ko muli ang kinaroroonan ng babae ngunit wala na ito sa pwesto niya.
'patawad kaibigan, hindi kita matutulungan'
Lumingon akung muli sa kinaroroonan ng mokong natu.
Buti nalang nandito ang best friend ko kaya kahit papa-ano may napapagsabihan rin ako.
Alam ng best friend ko kung ano ang meron ako at tanggap niya daw ako.
I look in his eyes and form a sweet smile in my lips.
"Salamat Jasper"
"Saan babae?"
Kunot nuong tanong niya
"Sa pag tatago kung sino ako"
Oo tinutulungan niya akung itago kung ano ako, siya ang naging sumbongan ko at kakampi ng namatay si papa.
"Mali ka Mallory, wala kang tinatago kung sino ka, tinatago mo lang kung ano ang meron ka, magkaiba kase ang kahulugan niyan babae."
Ngumiti akung muli at binalik ang tingin sa aking kinakain.
Nag papasalamat rin ako no dahil naniwala ang lalaking ito sa mga sekretong sinasabi ko, pero kalunan naman ay naniwala ito dahil sinabi ko sa kanya ang nakita kung nakaraan mula sa kanya.
Kaya pala daw maganda ang mga mata ko, ibang iba daw ito sa mga nakakasalamuha niya.
"Teka lang babae, nasabi ko na ba sa iyo na maganda ang mata mo?"
Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagkain at sinagot ang tanong niya
"Maraming beses na lalaki, tsk."
-----------------------------------
Mallory#1:Pilitin mo mang baguhin ang nakaraan dahil sa labis ninyong pagmamahalan, marahil ang sakit na nasa isipan ay malilimutan ngunit ang kirot sa puso na natamo ay daladala mo parin sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
Do You Trust Me?
HumorMarami ang nag sasabi na maganda daw ang mga mata ko ngunit hindi nila alam ang tunay na kapangyarihan nito. sekreto na alam ko balang araw na masasaktan ang sarili ko at ng minamahal ko. By: Glemagination