Nagising ako bigla ng may humapuhap sa buhok ko kaya napa angat naman ang ulo ko sa lalaking binabantayan ko sa school clinic.
At nabanaag naman ng awa ang mga mata ko.
"Okay kana ba? Anong masakit sayo? Nauuhaw kaba?---"
Hindi pa ako nakapag tapos mag tanong nang bigla nitong pinutol ang sunod na itatanong ko.
"Okay lang ako babae, medyo na uhaw nga ako."
Kaya naman ay bigla akung tumayo at kumuha ng tubig na malapit lang saamin. At binigay ito sa kanya.
Ininom naman niya ito. Habang naka masid lang ako dito. Kawawa naman ang kaibigan ko. Kahit na sobrang maasarin ito ay hindi ko parin mapigilan ang sarili kung hindi mag alala dahil sa katagal tagal naming nag sama ay ngayon ko lang nakita ang kaibigan kung duguan.
Pag katapos nitong uminom ng tubig ay ngumiti ito saakin at nag pasalamat, kaya kinuha ko dito ang basong hawak hawak nito.
At hinawakan ko ang kamay nito.
"Ano ba kase ang nangyari?"
Hindi ito sumagot pero kita ko sa mga mata nito ang takot kaya napag pasiyahan kung gamitin nalang ang kapangyarihan ko.
"Humarap ka saakin lalaki, hayaan mong makita ko ang nangyari"
Kaya mula sa pag kakayuko ay tumingin ito sa mga mata ko kaya naman ay mabilis na kinuha ko ang aking eye glasses na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
At sa ilang sandali pa ay nakita ko, nakita ko ang nangyari.
Nag lalakad siya papunta sa basketball gym na malapit lang sa room niya pero bigla itong hinila ng limang lalaki papunta sa isang kakahoyan.
Hindi maaninag ng mabuti ang mga mukha ng dumukot sa kanya.
Pero iba ang nga kasuotan nila.
"Bitiwan niyo ako"
Pumalag ito ngunit tinakpan lang nila ang bibig niya.
At pagkadating na pagka dating nila sa kakahoyan ay inilahad ng isang lalaki ang kanyang kamay at umilaw ito.
Itinutok nito ang kamay sa leeg ni lalake.
At sa hindi malamang dahilan ay umangat si lalaki na walang humahawak sa kanya. Para bang kinokontrol ito gamit ang mga kamay niya sabay bigkas ng.....
"Alam kung nakikita mo kami prinsesa na nag mula sa angkan ng mga brilyante ang dugo, dahil alam kung nakikita mo ang nakaraan at mababago mo ito.. isa lang ang sasabihin ko, mamamatay ang mga mahal mo sa buhay kung hindi ka susuko"
BINABASA MO ANG
Do You Trust Me?
HumorMarami ang nag sasabi na maganda daw ang mga mata ko ngunit hindi nila alam ang tunay na kapangyarihan nito. sekreto na alam ko balang araw na masasaktan ang sarili ko at ng minamahal ko. By: Glemagination