IKATATLO

9 0 0
                                    

Mallory POV,

Medyo masakit parin ang tuhod ko sa pag tatakbo para makalayo lang sa mga lalaking yun. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko pero maraming katanongan ang bumabagabag sa isip ko.

Yung lalaking lumigtas sakin sa ganoong sitwasyon. Bakit kaya nakita niya ako doon?

Pwede namang napadaan siya doon, o pwede ring nag aliwaliw siya. Pero mas mabuti siguro kung malalaman ko yun.

Pero simula ng mangyari yun. Dalawang araw rin ang nakalipas at di ko siya nakikita sa school. Parang may iba kase.

"Ms. Quinzel?"

Pero parang napa isip parin ako na salamat narin at niligtas ako ng lalaking yun. Kahit papaano, naiwasan ko rin ang ganoong insidente na maaaring ikamatay ko ng araw na yun.

"Ms. Quinzel?"

Pero bakit nga ba pinatay ng mga lalaking yun ang lalaking estudyante lang din dito?

"Ms. Quinzel? Are you there?"

Medyo natatkot parin kase ako. Baka kase hinahanap parin nila ako.

Haist sana naman kinalimotan na nila ako. Jusko.. Teka....

Sino bayang----

"MS. QUINZEL?!! YOUR NOT LISTENING
IN MY CLASS?!!!"

Agad akung napa balikwas sa aking kinauupuan.

Opps? Nandito na pala si Sir sa harapan ko. Diko namalayang nasobraan na ako sa ka iisip.

Napapikit ako ng bahagya. Jusko bat ba kase ang lutang ko. Nakakahiya tuloy kang sir baka isipin niyang wala akung paki sa subject niya.

Haist.

"I'm so sorry sir... Pasensiya na po talaga... Dinapo mauulit.."

Di parin umaalis si sir sa harap ko. At diretso lang ang tingin nito sa akin. Nanaliksik ang mga mata nimo. At para bang anytime ay kakainin ka nito.

Napabuntong hininga ito.

"I think you need a rest Ms. Quinzel, so go out and take your rest."

Medyo kalmado na sabi nito. Haist. Ano ba kaseng nagawa ko. Parang maapektuhan talaga ang pag - aaral ko nito.

At last natagpuan ko nalang ang sarili kung tinatahak ang daan patungong canteen.

Haist. Ganun nalang ba talaga ako ka lutang? Siguro. Sino ba kaseng makakalimot sa ganoong tagpo sa paaralan? Hindi ba?

No.. Hindi dapat ako mag pa apekto. Kung ganoong, hahanapin ako ng mga lalaking yun. Ay dapat magpaka dikit ako sa mga lugar kung saan maraming studyante ang naroon. Crowded.

Upang kahit papaano ay maiiwasan ko ang mga balak nila.

Pero kailangan kung alamin ang lahat.
Hindi lang siguro sa loob ng school ito konektado. Kundi gayon din sa labas ng paaralan.

Do You Trust Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon