26

12 4 0
                                    

ㅡThird

"Artemis... pakiabot nga ito sa driver namin..." pakiusap ni Tara sa kaibigan na si Artemis. Nasa clinic kasi ito dahil natamaan siya ng bola habang nagpi-PE sila kanina.

"Ano 'to?" Tanong ni Artemis habang sinusuri ang binigay sa kaniya ni Tara. Para itong asin na nakalagay sa maliit na pakete.

"Tawas yan. Amoy putok kasi driver namin." Then Tara chuckled. Napatango tango lamang si Art.

"Anong gagawin niya dito?" Nagtatakang tanong ni Art. Pasikretong umirap si Tara. Palibhasa mayaman. Sabi niya sa isipan niya.

"Ibigay mo na lang sa kaniya. Pakisabi din na sunduin na lang ako dito." Tumango si Artemis at lumabas na ng clinic. Pumunta siya sa parking lot at nandoon nga ang driver nila Tara. Ang hindi niya alam ay sinundan pala siya ni Tara. May dala itong camera. Madali lamang niyang nakuhanan ng anggulo ang walang malay na si Art kung saan makikita mo talagang may inaabot siya. Pagkatapos non ay agad na bumalik si Tara sa clinic at tumatawang ipinost ang picture sa mismong site ng Flemington College.

@FlemingtonSecretFiles| 5 mins ago

@FlemingtonSecretFiles attached a photo

[Caption] Artemis Stanley, daughter of Mr. Stanley; owner of Moon Corporations, caught selling drugs.

Liked by Stella Andromeda and 12k others

Comments

Io: Lol

Stella: Halla! Idol ko pa naman siya.

Estelle: ^ pangit yang ate ko.

Stella: ^ papansin yang kapatid ko.

Luna: Wag kayong maniwala! Hindi ganyan ang ate ko!

Shimmy: ^ siguro nagtitinda ka din.

Tristan: Who the fuck owns this fuckin' account?!

Era: What the hell?!

Randolph: Hindi ganiyan si Art...




"Tara, mauna ka na umuwi. Magpapatutor pa ako kay Sir. Bumabagsak na kasi grades ko." Pagpapaalam ni Art kay Tara. Tumango na lamang ito.

Umalis na si Tara pero patago niyang sinundan si Art na papuntang library. Naghintay lamang siya ng pagkakataon para kuhanan ng picture sina Artemis at Prof. Ander.

Kilala si Art bilang sweet na tao. Inosente din siya at hindi binibigyan ng malisya ang mga bagay. Iyan siya bago siya lokohin ni Randolph.

Nung matapos ang sila Art sa pagaaral ay masaya niyang niyakap ang guro at nagpasalamat dito. Ito din kasi ang paborito niyang teacher dahil napakabait at parang magtropa lang sila.

Kinuhaan ni Tara ng litrato ang magkayakap na sina Art at si Prof. Arden at ipinost ito sa official site ng Flemington College.

@FlemingtonSecretFiles| 10 mins ago

@FlemingtonSecretFiles attached a photo

[Caption] Artemis Stanley and Prof. Ander; caught having an affair.

Liked by Styla Ephemeral and 17k others

Comments

Seph: Niloko lang ni Randolph, naging malandi na.

Juri: Hindi man lang inisip yung asawa ni Sir.

Hena: Last week nagtitinda lang siya ng drugs.

Tara: This is not true.

Ryle: ^ kaibigan ka kaya dinedeny mo.

Natawa si Tara. Hindi nila alam na siya pala ang nagpapakalat ng mga iyon.

AlertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon