35

12 3 1
                                    

ㅡThird

Papasok sana si Tristan sa silid ng kaniyang kapatid na si Artemis nang marinig niya ang boses ng dalaga.

"Luna, wag mong ipagsasabi ito ha?" Akmang aalis na siya dahil ayaw naman niyang makinig sa usapan ng may usapan kaso umiral ang kyuryosidad niya. Huwag ipagsabi ang ano?

"What is it, Ate?" Rinig niyang taning ni Luna. Girl to girl talk siguro sila.

"May gusto ako kay Lantern." Sabi ni Artemis. Narinig niya ang impit na tili ng mga kapatid niya. Napailing na lang siya at napangiti. Ito ang pangalawang beses na may nagustuhang lalaki si Artemis. Hindi na niya maalala kung sino yung una dahil never namang pinakilala ni Art. Napayukom siya ng kamao. Kung kilala lang niya yung nanloko sa kapatid niya, baka hindi na yun sinikatan ng araw.

Hindi nakilala ni Tristan si Randolph dahil pagkatapos nitong lokohin si Artemis, agad itong ipinadala ng magulang niya sa US; sa kahilingan na din ni Ralph. Galit si Ralph sa kuya niya dahil ang akala niya ay ipinagsabay niya si Artemis at Tara. Ang hindi niya alam ay pinlano lahat iyon ni Tara.

Hindi rin masyadong kilala ni Tristan ang mga kaibigan ng mga kapatid niya. Busy na kasi siya sa pagtulong sa Daddy nila sa pagpapatakbo ng negosyo. Busy din siya sa pagtulong sa mga farmers nila. Mayroon kasi silang taniman ng bulaklak. Iba't-ibang klase. May sunflower, tulips, roses at marami pang klase ng bulaklak. Sa katunayan, sila ang main source ng lahat ng flower shop sa buong siyudad ng Flemington. Dito nanggagaling ang ibang yaman nila. Ang iba naman ay sa kumpanya ng Daddy niya.

Dumiretso na si Tristan sa kuwarto niya at  agad na binuksan yung computer niya. Sinearch niya sa facebook yung profile nung Lantern daw. Unang lumabas ay yung Lantern Crane. Mutual friends nila si Artemis kaya sigurado siya na yun yung tinutukoy ni Artemis na Lantern.

"Gwapo." Lutang na sabi ni Tristan. Nung narealize niya yung sinabi niya, sinampal niya ang sarili niya.

"Pero mas gwapo ako." Nakangising sabi niya tapos humarap sa salamin na katabi lang ng computer niya.

'Bakit may salamin dito?' Nagtatakang tanong niya sa sarili. Umiling na lamang siya.

Nagscroll lang siya sa facebook profile ni Lantern nung may napansin siya.

Hindi maipagkakaila ang galing sa pagkuha ng picture ni Lantern. Agree doon si Tristan. Kaunti nga lang ang nakikita niyang picture ni Lantern. Puro ibang tao. Napangisi siya. Kung papansinin mo, 70% ng post ni Lantern ay si Artemis.

"May gusto siya sa baby Art ko?!" Natatawang sabi niya. Kinilig siya ng mga 1.47 seconds. Nakakabakla daw kasi kaoag kinikilig.

"Maging match maker kaya ako?" Biglang pumasok sa isip niya. Napailing na lang siya. High ata siya ngayon.




Napagtanong na ni Tristan sa mga estudyante sa Flemington College ang tungkol kay Lantern. Ayon sa mga estudyante na napagtanungan niya, kadalasan daw ay hinahatid ni Lantern si Artemis sa service niya. Napangisi siya.

'Tingnan natin angas ng mokong na yun.'  Sabi niya sa isip niya.

Sinabi niya sa service na Artemis na siya ngayon ang susundo sa kapatid niya. Ayaw pa sana pumayag nung matanda kaso nagpumilit siya. Ayun, pumayag.

Natanaw niya si Artemis kasama si Lantern.

'Sana all matangkad.' Sabi niya sa isip niya. Baliw na talaga siya.

Mukhang may pinaguusapan yung dalawa. Tumatawa kasi yung kapatid niya.

Lumabas siya sa kotse niya para kunin ang atensyon ng kapatid niya.

"Baby Art!" Sigaw niya. Napalingon sa kaniya ang kapatid niya at nanlaki ang mata nito. Nakalimutan niya atang kasama niya si Lantern dahil iniwan niya ito sa gitna ng parking lot. Natawa si Tristan.

'Wala pala 'to eh. Kinakalimutan lang.' Natatawang sabi niya sa isip.

"Ako na susundo sayo Baby. Let's go!" Sabi niya sa kapatid. Masayang tumango si Art at tumingin kay Lantern para mag wave ng goodbye.

Napatingin din siya kay Lantern. Salubong ang kilay nito at matalim ang tingin sa kaniya. Nginisian niya lang ito.




"Baby Art, di kita masusundo ngayon ah? May gagawin lang si Kuya." Sabi ni Tristan sa kapatid.

"Sige po kuya." Sabi ni Artemis at pinatay na ang tawag. Matalim na tumingin si Lantern sa hawak niyang papel. Ito ay death threat. Para kay Artemis. Pang ilang beses na ba siyang nakakatanggap nito? Hindi na niya mabilang.

Lagi siyang nakakakita ng ganito sa bintana ng kapatid niya. Iyon ang dahilan kung bakit lagi siya sa kwarto ni Art. Ayaw niya kasi na si Art mismo ang makatanggap nito kahit para naman talaga ito kay Art.

Kuyom na ang kaniyang mga kamao. Nagsasawa na siya na lagi na lang nagaalala para sa kapatid. Oras na siguro para ihinto ang kahibangan ni Tara. Oo, kay Tara galing ang lahat ng ito. Minsan na niyang nahuli si Tara na may kausap na lalaki. Hindi naman niya sinadya na marinig yung pinaguusapan nila. Sabi ni Tara sa lalaki, "Ilagay mo yang sulat na iyan sa #$@$*@& sa bintana sa ikalawang palapag. Walang security camera doon. Wag kang magalala." .

Nung hapon na narinig niya iyon, nagtungo siya sa kwarto ni Art at chineck yung bintana at may nakita siyang sulat. Iyon yung sulat na hawak ni Tara.

AlertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon