23

13 4 0
                                    

ㅡArtemis

Nagulat ako nung may narinig akong buzzer. Does that mean she's lying? Why Tara?

"Sinadya mo na puntahan at halikan si Randolph sa bahay nila nung mismong anniversary nila ni Art dahil alam mong pupunta doon si Art. Fact or bluff." I'm waiting for her answer.

"B-bluff.." then may nag buzz ulit. Namumuo na yung mga luha sa mata ko. Why, Tara? Why?

"Sinabi mo kay Era na may relasyon sila ni Ralph tapos pinilit mo si Era na sagasaan si Art pero kayong dalawa ni Era ang naaksidente. Fact or bluff." I'm speechless sa mga nalalaman ko.

"Bluff." Halos ibulong na lang ni Tara yung sagot. Nakarinig ako ng buzz.

"Sinabi mo kay Ralph na sinubukang iharass ng isang lalaki si Art at nagsuggest ka na ipabugbog yung lalaki which is si Lantern. Fact or bluff." Napasingap ako. Siya yung dahilan kung bakit bugbog sarado noon si Lantern?

"Hindi yan totoo!" Sigaw niya. May buzzer na naman.

"Ikaw ang nagpapakalat ng rumors about kay Artemis. Fact or bluff." Nanlisik ang mata ko dito. Siya ang may dahilan kung bakit kumakalat sa buong Flemington drug user ako?!

"Bluff." Madiin niyang sabi. Liar! Nasira ang pangalan ni Daddy dahil sa akin tapos siya pala ang dahilan?!

"Nung nalaman mo ang tungkol kay Luna, you tried to kill her. Fact or bluff." Namuo yung galit ko nung narinig ko iyan.

"No.. hindi yan totoo.. please Artemis.. believe me!" Sigaw niya. Saktan niya na ako wag lang ang kapatid ko. She's too fragile!

"Tinry mo ipagkalat ang sekreto ni Kuya Tristan. Fact or bluff." I clenched my fist. How dare she?! At paano niya nalaman?

"Bluff." Lumuluhang sabi niya.

"Ninakaw mo lahat ng invesments sa company nila Art. Fact or bluff." Nanlumo ako. Pati hanapbuhay ni Daddy pinakealaman na niya.

"Bluff. Artemis, believe me! Wala akong ginagawang ganyan!" Pagmamakaawa niya. Kung makakawala lang ako dito, ako mismo papatay sa kaniya.

"Sinadya mo na ipatago si Art sa mga obvious places nung last game natin para mahanap siya ng seeker. Fact or bluff." Napansin ko ito pero hindi ko alam na may balak pala siya masama. Halos hindi na sumasagot si Tara. Umiiyak na lang siya.

"Lastly, ikaw ang naglead sa kaniya sa kwarto na iyon nung last game para macorner siya pero hindi mo alam na nandoon si Era kaya sinisisi mo si Artemis sa pagkamatay niya. Fact or bluff." Kaya pala narinig ko si Era na sinisigaw yung pangalan niya noon.

"Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na nandoon si Era!" Humahagulgol na sabi niya.

"Wow.. 0/10..." so lahat yun ay totoo? I cried. Kahit naging kabit siya noon ni Randolph, tinanggap ko siya. Pero bakit ganito ang isusukli niya sa akin? Hindi ako makapaniwala. Tinuring ko siyang ate... tapos..

Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari. May tumulak sa upuan ni Era dahilan para mahulog siya sa building. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko. I just wanna take a rest.

Pumikit na lang ako at hinayaan ang paligid ko. I.. I just wanna rest.


AlertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon