18

18 5 4
                                    

ㅡTara

Nagising ako nung naramdaman ko ang malakas at malamig na hangin. Idinilat ko yung mga mata ko. Puti? Bakit puro puti ang nakikita ko? Patay na ba ako?

Napansin ko na nakatali ako sa upuan. Na naman. Napalingon ako sa kaliwa ko dahil may naaninag ako. Si Art. Wala pa siyang malay at nakatali din siya sa upuan. Anong nangyayari?

Bakit na nga kami nandito ulit? Ah! May kasalanan yung isa sa amin sa kaniya. Pero sino sa amin? Akala ko ba kailangan lang makahanap ng daan palabas ng bahay yung mga inosente? Bakit kailangang may mamatay? Naiyak ako. Una si Ralph, sumunod si Era, ngayon naman si Lantern?

Pero papaano kung wala talaga sa amin yung may kasalanan sa kaniya at napagtripan lang kami? Pero may picture siya nung nangyari nung araw na yun. Ibig sabihin matagal na talagang pinagplanuhan ito? Bakit hindi ako pinapahanap ng daddy ko? Bakit hindi pinapahanap si Art ng daddy niya? Bakit walang naghahanap sa amin?

Imposibleng hindi ipahanap si Art ng daddy niya. Doon ako nagtataka. Kasi may one time noon na late umuwi sa bahay nila at halos ipabalita na nung daddy niya sa news na nawawala siya. Marami ring connection ang daddy niya kaya sigurado ako na mahahanap niya kami. Pero bakit hindi yun ang nangyayari ngayon?

Nanlaki yung mata ko nung may marealize ako. Pinlan ba ito ng Daddy ni Art? Napasingap ako. Bakit hindi ko iyon naisip?! Sa kanila bahay ito! Napatingin ako ng masama kay Artemis. Nagsumbong ba si Art sa daddy niya about kay Randolph?! O baka dahil sa nalaman niya yung balak ni Era noon? Shit.. may alam siya.. dapat pala natuloy na lang yung binabalak namin ni Era bago siya maaksidente.

AlertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon