20

14 4 0
                                    

ㅡThird

"Tigilan mo na 'to Artemis! Tigilan mo na ang pagmamaangmaangan mo! Alam ko na ang binabalak mo! Balak mo akong saktan kasi ako ang pinili ng ex mo kesa sayo! Kasi ako ang pinili ni Randolph imbis na ikaw na girlfriend niya!" Pagsigaw ni Tara kay Artemis. Naluha si Artemis. Bumalik na naman yung mga araw na wasak na wasak siya.

Randolph is her first love and first boyfriend. He is Ralph's brother.

Naaalala niya pa yung araw na naabutan niya sila Tara at Randolph na naghahalikan sa sofa. That day was their first year anniversary. Kaya ganoon na lamang ang galit at lungkot ni Art nung makita niya yung picture nila Tara na naghahalikan. Yes. Sila yung naghahalikan sa sofa na pinakita sa picture ni Tv guy. Pero hindi niya iyon pinahalata noon dahil past is past. Ngunit tila bumabalik lahat ng sakit na nadama niya noon dahil sa mga sinasabi ni Tara. Not that hindi pa siya nakamove on pero hindi mo pa din talaga matatanggal yung sakit.

"Oh, bakit kayo nagaaway?" Hindi nila malingon yung nagsasalita pero boses babae ito. Sino kaya ito? Iyan ang tanong nila sa kanilang isip.

"Chill lang kayo. Malapit na matapos ang laro." Sabi ulit nung babae.

"Just let me go. Alam ko na kung para saan ang set up na ito. Kasi hindi pa nakakapag get over si  Art sa ex niya!" Sigaw ni Tara habang pinipilit na tanggalin ni Tara yung pagkakatali sa kamay niya.

"Sure ka na sa conclusion mo Tara?" Natatawang sabi nung babae. Seems like she's mocking Tara in some ways.

Hindi nagsalita si Tara. Takot na baka may masabi siya na hindi dapat masabi.

"Akala ko ba matalino ka? O baka naman takot ka na may malaman si Artemis?" Makahulugang sabi nung babae. Tara clenched her fist. Bakit may alam yung babaeng yon? Tanong niya sa sarili.

"Last game na natin ngayon. Ready na ba kayo?" Tanong nung babae. Walang umimik sa kanila.

"Ang last game natin ay Fact or Bluff." Sabi nung babae. Napairap naman si Artemis. 'Kapuso amp' sabi niya sa isip niya.

Samantala, uminit ang ulo ni Tara.

'Shit! Hindi pwedeng malaman nila Daddy yung pinaggagagawa ko.' Nagpapanic na sabi niya sa utak niya.

Naramdaman nung babae sa likod nilang dalawa na hindi mapakali si Tara. She smirked. Excited na siyang malaman yung mga sikretong tinatago ni Artemis lalo na ang sikreto ni Tara.

"As always, may instructions akong sasabihin bago magstart ng game. May isa kasi sa inyo na hindi kapuso at tambay sa TVN. Diba Artemis?" Natatawang sabi nung babae. Paano niya nalaman iyon?!

"Magsasabi ako ng mga bagay na connected sa inyo. Sasabihin niyo ang fact kapag tama iyon and bluff kapag mali. Its up to the both of you kung magsasabi kayo ng totoo. Ngunit tandaan, 5 lies? Death." Sabi nung babae. Napangisi siya. Kilalang kilala niya kung sino ang magsasabi ng totoo at kung sino ang magsisinungaling. Alam niyang gustong mabuhay ni Artemis at ni Tara. Pero hanggang saan nga ba aabot ang kasinungalingan niya? Hanggang sa mamatay siya? Napailing siya. Gusto niyang magsabi ng totoo yung tao na iyon. So bad.

Napatingin yung babae sa hawak niyang papel. Doon nakasulat yung mga bagay nasasabihin niya. Ngumiti siya ng mapait. Hindi siya makapaniwala sa nakasulat doon. Confirmation na lang ang kailangan niya. At hindi na siya makapaghintay na magsabi ng totoo iyong taong iyon.

AlertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon