Everything was still very vivid in my mind. Every single detail. Every single thought. Every single feeling that I've felt.
I couldn't find myself at that moment.
Yet six young men found me.
I've never thought it was real.
I've never thought Never...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"What the fuck are you doing?!" I knew it was already too late for my screams because the guy have successfully dragged me inside.
I tried to open the door but the one on the driver seat immediately locked it. Minura ko siya. Gulat niya lang akong tiningnan.
Akala ko pagkatapos nila akong dukutin ay aalis na agad ang sasakyan pero nanatili itong hindi umaandar sa puwesto. Three guys are looking at me suspiciously. Iyong nasa driver's seat at humila sa akin ay magkahawig. Mukhang bagong gising iyong nasa likod.
"What the fuck do you want from me?!" I screamed again.
"Stop shouting!" sigaw noong humila sa'kin.
"Drim!" iyong nasa driver's seat.
"What's happening?" tanong ng lalaki sa likod.
Masama ang tingin ko sa kanilang tatlo habang nakasandal sa pinto ng van. Nasa kabilang dulo naman iyong lalaking humila sa akin papasok dito. Sa kanya pinakamasama ang tingin ko. Tatandaan ko ang tattoo niya sa leeg!
"Ferdy called. This girl might know him but he doesn't know her," sabi ng nasa driver's seat.
"What?! Who's Ferdy? I don't know him! Hindi ko kayo kilala!" I defended.
They just kept looking at me suspiciously. What the? Is he talking about the guy with the mask? Mga kriminal ba talaga sila na nagtatago?! Bakit takot silang may makakilala sa ni isa sa kanila?
Mabilis akong lumingon nang bumukas ang lock ng pinto ngunit mabilis din iyong bumukas at sumara nang pumasok ang tatlo pang lalaki na nakita ko kanina. Tama ako! Magkakasabwat sila!
Napilitan akong umatras nang tumabi sa akin iyong nakatinginan ko sa loob ng Subway. Nasa front seat iyong dalawa niyang kasama. Dumaan ang kaba sa akin.
Tinanggal ng katabi ko ang mask niya. Kunot ang noo habang pinagmamasdan ako.
"Do you who we are?" He asked.
Umiling ako. Tiningnan ko ang mga mukha nila isa-isa. They're all unfamiliar faces to me.
"Bro, I don't think she really-" sambit ng lalaki sa harap, iyong palabiro na kasama niya rin sa Subway, ngunit mabilis siyang pinutol nitong kaharap ko.
"Shut up, Dru." seryoso ang mga mata ng lalaki sa akin, "Do you know who she is?" tanong niya sa mga kasama nang hindi tumitingin sa mga ito.
Pare-pareho lang ang mga sagot nila, "Hindi."
Nagsalita muli iyong nasa harapan, "Ferdy, baka nagkakamali ka lang."
"Dru's right. You're always the concious one when it comes to strangers looking at us. Mas lalo nila tayong mahahanap kung ganyan ka," the guy on the driver's seat said.