Chapter 23

2.9K 47 0
                                    

Xiven's POV

Masaya ako ngayon kase kasama ko ang kaisa isang babaeng nagiging espesyal sakin. I'm confused with my feelings pero alam kong special sya sakin na handa kong gawin ang lahat para sa kanya.

Naramdaman kong pinisil pisil nya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Ininguso niya ang harapan namin kaya alam kong pinapahiwatig niya...I hate to let her hand go pero malapit na kami kay Dad kaya no choice ako kundi bitawan sya.

"Mamaya mag online ka" bulong ko dito at sumakay na sa front seat

"How was it?" Bulong agad ni Dad sakin

"Dad are you sure siya ang gusto mo para sakin?"

"Yes, napagkasunduan na namin to ng kumpare ko don't you like Ina? She a nice woman" Aware akong mabuting tao si Ina at ayokong sirain ang pagiging mabuti niya ng dahil lang sa gusto ni Dad

"Let's go"utos ng Daddy ni Ina

Pinaandar na ito ni Dad. Tahimik lang kami buong byahe at hindi ko mapigilang mapatingin sakanya. She's sleeping....at ang cute niyang nakahilig sa balikat ng Daddy niya.

"Cut your stare's with my daughter" striktong sabi ng Daddy ni Ina kaya nahihiyang bumalik ang tingin ko sa daan

"Son, wala pa ngang kayo pero kung makatingin ka parang inlove na inlove ka sakanya ah" Dad said while chuckling

I groaned "Napatingin lang ako Dad"

"Looking is different from staring, ang bobo mo naman, spelling pa nga lang ng looking at staring magkaiba na and in your case, you are STARING"

"Atleast gwapo" balik ko dito habang nagpopogi sign

"Mahiya ka nga sa pinagmanahan mo" sabi naman nito

"May hiya naman talaga ako kay mommy" Ngisi ko dito

"Sabi ko nga" I chuckled.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba para pagbuksan ng pinto sina uncle kasi baka magising si Ina.

"Ako nalang pong magbuhat sakanya uncle" suhestiyon ko

"Ayus ayusin mo lang iho, baka mahulog yang anak ko payatot kapa naman" Heck? Ako payatot?

"Po?" Tanong ko dito

"Bakit? May angal ka?" Nanghahamon nitong sabi

"Sabi ko nga po wala" binuhat ko na si Ina at sinundan ang mommy niya

"This way iho" umakyat kami sa 2nd floor at lumiko sa kaliwa

Binuksan niya ang isang pintong may design ng iba't ibang pangalan ng mga country. She's into traveling pala, not bad

"Traveler pala si Ina tita?" Sabi ko habang maingat na inihiga si Ina sa kama niya

Kinumutan niya muna si Ina bago kami lumabas at walang ingay na sinarado ang pinto

"No, but patraveler palang" Ha?

"Po?"

"Hindi pa sya nakakatravel pero dream niyang makatravel sa buong mundo and we had an agreement na bago sya mag-ikot ay magpagaling muna sya" Wait what?

"Magpagaling from what ho? May sakit si Ina?" Nataranta ako nang may tumulo na luha sa mata ni Aunty

"Shit! Sorry po may sinabi po ba akong hindi niyo nagustuhan? Sorry Tita!" Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinahid sa mukha ni Tita

"Sorry iho, wala kang sinabing masama" Kinuha niya ang panyo sakin

"Aside from our family ikaw lang ang sasabihan ko nito iho. I believe you still dont know the reason why your father is pushing you into this situation..Am I right?" Tumango ako dito

Lustful DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon