Chapter 13

3.9K 46 0
                                    

Xiven's POV

Papunta na ako sa unit ko nang may makalimutan ako

"F*ck my phone." Dali dali akong bumalik papunta sa inakyatan ko na puno

Umakyat ako and thank god nandito parin. Pinulot ko na at tumalon na naman. Naalala ko yung kinanta ni Ganda na nakapagpailing sakin.

Umalis na ako sa pwesto ko at naglakad papunta sa unit ko nang may mahagip ang mga mata ko. Agad nagdilim ang paningin ko at pumunta sa kinaroroonan nila. Nakatayo lang ako sa likuran ng lalakeng katable ni Ganda.

"Infairness memorize mo na." Pumalakpak-palapak pa sya

"Syempre ano paba maaasahan mo sakin? Ewan ko nga sayo bat mo ko brineak mahal naman kita.....hanggang ngayon." Para akong nabingi sa sa sinabi ng lalakeng toh? hanggang.....ngayon? So ibig sabihin ex nya to.

"Ano yun?" Tanong ni Ganda

"Hahahaha sabi ko hanggang ngayon bingi ka parin." Napasimangot si Ganda sa sinabi ng ex  niya at kumuyom ang kamao ko nang hinawakan niya ulo ni Ganda

"Hindi naman yan sinabi mo eh!" Maktol niya sa kanya

"*EHEM* EHEM* EHEM*!!!!!" Hindi ko na napigilan at sumingit ako sa usapan nila.....Seryoso? Kanina pa ako andito at wala ni isa nakapansin sakin?!

Napatingin silang dalawa sakin pero sa ex lang ni Ganda ako nakatingin, nasabi ko bang nakatingin ako sa kanya ng masama!

"Yes, may kailangan ka?" Tanong niya. Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko

"Oo........susunduin ko na sana girlfriend ko." Tinignan ko si Ganda na ngayoy nanlalaki ang mata at nakatingin ng masama sakin.

"Ah, hahahaha pasensya kana dito sa kaibigan ko mapagbiro talaga toh. Anu ginagawa mo dito?" Binigyan niya ako ng matamis na pekeng ngiti

"Sinusundo nga- Aw!" Napatingin ako ng masama sa kanya nang tadyakan niya ako, nginitian lang niya ako at pinanlakihan ng mata

"A-ano sinusundo yung mga inorder kong pagkain hahaha sige mauna nako." Pagpapaalam ko. Sh*t sakit ng paa ko.

"Sandali." Napahinto ako nang tawagin ako ng ex ni Ina

"Hindi pako nakapagpakilala, Im Zac Gabales uhm... Star's ex boyfriend you are?" Tinignan ko yung kamay niya na nakalahad, hindi ko na sana tatangapin pero pinanlakihan na naman ako ng mata ni Ina kaya tinangap kona. Tadyakan pako ulit ng babaeng toh

"Xiven...Xiven Galvez. Ina's boyfriend." Napangiti ako ng mayabang nang napakunot ang noo niya. Napabaling siya kay Ina

"You have a boyfriend?" Tanong niya sakanya

"H-ha? Wala ako nun!" Tangi ni Ina kaya napabaling ulit sya sakin

"Boy-friend, ibig sabihin.......kaibigan." pagdidiin ko sa kaibigan. Kaibigan...

"Ah, kala ko magjowa kayo." Wag kang mag-alala. Soon

Napatango nalang ako sa kanilang dalawa at bago umalis ay ginawaran ko ng halik sa pisngi si Ganda at pumunta na sa unit ko. *smirk*

Starina's POV

Nanigas ako sa kinauupuan ko pagkatapos akong halikan *ehem!* ulit ni Xiven.

"Star?" Hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan ni Xiven.

"Star you fine?" Nakakarami na yung lalakeng yun sakin! Kailangan ko gumanti

"STAR!"

"AY HALIK NI XIVEN!" Napasigaw ako sa gulat nang sigawan ako ni Zac sa tenga., tinignan ko sya ng masama pero teka....ba't sya nakatingin sakin ng masama eh sya tong sinigawan ako

Lustful DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon