ONE: Aly

28 2 0
                                    

"I'M SORRY to tell you, Ms.Montecillo but we need to fire you."

Natigilan ako ng marinig ang maawtoridad na boses ng may edad na babaeng prenteng nakaupo sa harapan ko.

Ito ang executive manager ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho, ang L.G.C. Nasa opisina niya ako ngayon, pinatawag niya ako dahil may sasabihin daw ito. Yun pala masamang balita ang sasabihin nito.

"P-Po? Pero bakit po?" Mangiyak-niyak kong tanong. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabahong to!

"Kailangan naming magtanggal ng tauhan--" Hindi ko ito pinatapos at agad nagsalita.

"Hindi naman po ata pwedeng tanggalin niyo ako ng basta-basta? Kailangan ko po 'tong trabahong to, wag niyo naman po akong tanggalin ma'am." Halos magmakaawa ako sa harap niya. Kahit labag sa kalooban kung gawin to sa kulubot nato, pero kailangan kong gawin. Lulunukin ko nalang muna ang baretang pride ko.

"We also based it to everyone's performance, Ms.Montecillo. Palagi ka nalang kasing late, halos araw-araw nalang. At lage nalang kitang nakikitang nakikipag-chismisan imbis na magtrabaho." Mataray na asik nito. Ang sarap kutusan ng matandang to eh. Kung di talaga ako makapag-pigil.

Timpi ka lang, aly. Inhale. Exhale. "May kailangan po kasi akong alagaan at saka hindi naman po ako nakiki--" Magpapaliwanag sana ako ng magsalita ito ulit.

Tumaas ang kilay nito at mataray akong tinignan. "Enough of your explanations, Ms.Montecillo. The management had decided, start to pack your things and leave." Giit nito.

Dahil dun, di ko na napigilan at pumutok na ang bulkan sa loob ko.

"Fine. Aalis na talaga ako dito, ayaw ko ng maging amo yung masamang ugali at kulobot ang mukhang katulad mo!" Singhal ko rito at dagli-dagling umalis roon.

Well, tanggal na rin naman ako. Kaya di nako matatakot na sigawan siya no. Matagal ko ng gustong gawin yun sa matandang yun. Ang sama kasi ng ugali eh, palibhasa wala asawa kaya bitter.

Nang makabalik ako sa table ko. Sinalubong ako ng mga malapit kong kaopisina na sina karla at miranda.

Pagkaupong-upo ko sa swivel chair, dun nako napaiyak. "Uwaaaah...huhuhu..." ngawa ko. Wala akong pakialam kahit maraming nakakakita sakin. Kiber ko sa kanila!

"Tahan na, Aly." Pagpapatahan ni karla sakin sabay himas sa likod para patahanin ako.

"Pano na kami nito? Uwaaaah.." Tulo parin ng tulo ang mga luha ko. "Naubos na yung pera ko para sa month nato. Pinambayad ko ng utang kong hindi ata maubos-ubos. Tapos di pa'ko nakakabayad ng upa namin. San kami pupulutin nito?" Tong trabahong to lang kasi yung pinagkukunan ko ng ipambubuhay. Ngayon wala na, natanggal na ako!

"Naku kung wala lang talaga akong binubuhay, matutulungan kita. Pasensya na talaga, aly"

"Okay lang. Naiintindihan ko, mira." Malungkot kong saad. Alam kong walang-wala rin ito, may pamilya kasi itong binubuhay.

Bakit naman kasi nangyayari to eh. Ang malas ko naman ata sa buwan nato! Mahirap na talaga ang maganda, lapitin ng malas.

Ilang sandali at natapos na akong iligpit ang mga gamit ko dun. Kunti lang naman kasi yun. Tumayo ako at inilibot ang paningin sa kabuuhan ng silid kung saan ako nagtrabaho ng halos dalawang taon. "Sige alis na ako mga kaibigan, hanggang sa huli...huhuhu. Wag niyo sana akong kalilimutan, wag niyong pabayaan ang sarili niyo. Sana sa pag-alis ko pumuti na ang budhi ng matandang gurang na ex-amo ko." Madramang litanya ko sa ibang kasamahan ko dun na napatingin sa akin.

I Painted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon