TWO WEEKS, dalawang linggo na akong naghahanap ng trabaho pero hindi ako parin ako nakakahanap.
Halos maubos narin yung pera ko sa pangaraw-araw na gastusin namin. Nahihiya na nga ako kay adriana kasi ang laki na ng naitulong niya samin dalawa ni aya.
Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Laban kung laban! Alam ko kasing hindi kami pababayaan ni ate, at syempre ng diyos.
Nagbibilang ako ng natitira kong pera na kinuha ko pa sa alkansya ko. 1000 pesos, ito nalang yung natitira. Kakasya nalang to para sa isang linggo. Pero pano ang pangbayad sa upa? Sa tubig at kuryente namin.
Napapikit ako at napahilot sa sentido ko. Bakit ba ang daming problemang dumadating sakin ngayon?
Napadilat ako ng lumapit sakin si aya. "Mama, okay lang po ikaw?" Kita ko ang pag-aalala sa inosente nitong mukha.
Inupo ko siya sa lap ko and gave her a sweet smile. My little angel, my stress reliever and my everything. "Ayos na ayos, baby girl. Andyan ka eh, kiss mo nga si mama."
Pinulupot niya ang dalawang malilit na braso sa leeg ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. "Wow. Ang sarap naman nun." Lumawak ang ngiti ko.
She giggle, "I love you, mama."
I tried not to cry in front of her. I don't want her to see me crying. "Mahal na mahal din kita, to the highest level." Hinalikan ko siya sa noo.
"Ako po, I love you forever and ever...amen!" Sabi niya na nagpahalakhak sakin.
Alam ko, kahit marami pang problema sa buhay ko. Makakaya kong harapin lahat ng yun dahil sa kanya. Si aya na ang buhay ko ngayon, gagawin ko lahat para sa kanya.
Nung mamatay si ate, hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahong yun. Kung paano ako mabubuhay ng mag-isa. Pero ng tignan ko si aya, ng titigan ko siya sa labas ng nursery room nun. Parang lahat ng takot ko nawala.
Kaya kung mawawala siya sakin baka ikamatay ko.
Biglang may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako ng unahan ako ni aya. "Ako na po, mama." Saka ito tumakbo paalis. Pinatay ko na yung stove ng masiguradong luto na yung uulamin namin mamayang gabi.
Ilang sandali ay bumalik ito."Mama, may naghahanap po sa inyo."
"Sino?" Takang tanong ko.
"Babae po eh, hindi ko kilala." Sabi niya na sinamahan pa ng pailing-iling.
"Pumasok ka muna sa kwarto, baby girl. At wag kang lalabas, okay?" Utos ko sa kanya.
She nodded, "Opo, mama." Saka ito pumasok sa kwarto namin.
Sino kaya yung bisita namin?
Nang makarating ako sa harap ng pintuan. Nadatnan ko ang isang may edad na babae, mga nasa 40s. Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa sa maliit na salas ng bahay namin. "Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko ng pareho na kaming nakaupo.
"Good afternoo, I'm Atty. Leonora Santos." Pakilala nito sabay lahad ng kamay.
Tinaggap ko naman iyon pero hindi nagsalita. Hinintay ko lang na magsalita siya ulit. "I came here to see you, Ms.Montecillo. Abogado ako ni Donya Ysabelle." Umpisa nito.
Kumunot naman ang noo ko, sino naman yun? "Donya Ysabelle? Wala po akong kilalang ganun." Saad ko.
May inilabas na mga papeles at isang litrato ng matandang babae. Nang tignan ko yun picture, hindi makakailang magandang babae kahit may edad na. "Donya Ysabelle is your relative, Ms.Montecillo, she's Mrs. Ysabelle Montecillo Grande. Pinsan siya ng lolo mong si Mr. Marcelo Montecillo."
BINABASA MO ANG
I Painted Him
RomancePaano kung ang lalakeng ipininta mo bigla nalang dumating sa buhay mo at naging totoo? Magical ba o may logical explanation ito? And so the story started, When I PAINTED HIM.