NANG MAKITA ko ang malaking bahay sa loob ng hacienda majika, parang yung feeling ko nasa isang magical land ako. Na parang sa mga nababasa ko sa fairytale books.
Honestly, kahit may kalumaan na ang bahay. Hindi ito mukhang nakakatakot. Mas relaxing nga yung ambience ng lugar.
Nang makapasok ako, kung namangha na ako sa labas ng bahay, mas lalo akong nalula sa kung gaano ito kaganda sa loob. Mas lalo itong naging malaki tignan ng makapasok kami. May dalawang palapag ang bahay. Kapansin-pansin kung gaano ito kaalaga kahit sa kalumaan nito. Lahat ng mga gamit din ay mga antigo na, may malaking piano rin dun malapit sa hagdan. Napapatingin din ako sa maraming paintings na nakasabit doon. May painting dun na sa tingin ko ay ang itsura ng buong hacienda. May mga ibang lugar din, mga tao at marami pa.
Biglang nagsalita si tita sa gilid ko. "Gawa yan lahat ni ysabelle." Saad nito na nakatingin rin sa mga painting na tinitignan ko.
"Talaga po? Magaling po pala siyang magpinta." Parehas pala kami ni lola ysabelle ng talento.
"Yeah, mahilig talaga yung magpinta si ysabelle. Mapa tao man o lugar pinipinta niya kapag nagustuhan nito." Anito saka hinila papunta sa kusina ng bahay. "Anyway, come on. Ipapakilala kita sa mga trabahador dito sa hacienda."
Nang makarating kami ron, nakita ko ang isang may kalakihang matanda na kaedad ni mang samuel kasama ang apat na babaeng nakangiting naghihintay sa amin. "Everybody, gusto kong ipakilala sa inyo si Alysson Montecillo, ang kamag-anak ni donya ysabelle, at tagapagmana ng hacienda majika." Pakilala nito sakin.
Nagulat ako ng biglang yumuko silang lima saka bumati. "Magandang tanghali, señorita."
"Hala! Wag niyo na po akong tawaging señorita, Aly nalang po for short." Saway ko sa kanila sabay taas ng dalawa kung kamay at ginalaw ito na parang nagbababye pero mahina.
Ngumiti lang sila saka nagpatuloy sa pagsasalita si tita leonora. "Hija, ito naman si Manang Rosana asawa ni Mang Samuel, at mayordoma rito." Pakilala naman nito dun sa matandang babae.
Ngumiti ako, "Hello po, ako po si alysson. At ito naman po ang anak ko si aya."
Ngumiti rin si aya at bumati rito. "Hello po."
"Dito na sila titira simula ngayon. Si aly narin ang mamamahala ng mga negosyo ng namayapang si donya ysabelle." Anito sa mga tingin koy kawaksi.
"Masaya akong makilala ka, hija." Nakangiting saad sakin ni manang rosana saka ako niyakap. Mukha namang mabait ito, pati narin ang ibang kasama nito.
I hugged her back. "Ako rin po."
Ilang minuto lang ay inanunsyo nung isa babae na nakahanda na raw ang pagkain kaya sabay-sabay kaming pumunta sa hapagkainan.
Umupo ako dun sa kanang bahagi ng mahabang mesa pero pinigilan ako ni tita leonora. "Sa gitna ka umupo, hija" turo nito sa gitnang dulo sa lamesa. Kaya tumayo ako at lumipat dun, nasa kanan ko si aya at nasa kaliwang bahagi ko naman si tita.
Nang matapos kaming magdasal, tiningnan ko sila manang na nakatayo lang dun sa gilid. "Ahmm...hindi po ba kayo sasabay samin?" Tanong ko.
"Naku, hindi na." Tanggi ng matanda.
"Manang, sumabay na po kayo. Marami po tong nakahanda sa lamesa at hindi namin kayang ubusing tatlo ang lahat ng to." Giit naman ni tita sa mga ito. Tama naman kasi, ang dami-dami kaya nitong pagkain, baka tumaba pako nito.
"O siya sige." She said defeatedly then sit beside aya. Yung iba naman nagkanya-kanya na ng upo.
Magana kaming kumain doon. Grabe, ang sarap ng mga pagkain. Nilingon ko ang pwesto ni aya, at kahit itoy magana ring kumakain. Ilang sandali ay una itong natapos kumain.
BINABASA MO ANG
I Painted Him
RomancePaano kung ang lalakeng ipininta mo bigla nalang dumating sa buhay mo at naging totoo? Magical ba o may logical explanation ito? And so the story started, When I PAINTED HIM.