Hey yow GG! XD
Di muna ako mag-uupdate ng ilang araw. First story ko po kasi to, kaya kailangan kong malaman kung type nyo ba tong yung story. If yes, magvote and comment lang kayo.
Sana umabot ng 80 comments at 50 votes. Kung sakali man umabot dun, saka lang ulit ako mag-update ng next chapter.
Please, sana suportahan nyo po ang storyang to.
At kung may gustong magpadedicate, message niyo lang po ako..lovelots my DemiGods!
-TheGoddessofStories
****TEASER****
Napaungol si matthew ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan nito. Unti-unti nitong idinilat ang mga mata at mapagtantong nasa hindi siya pamilyar na lugar.
Nang ilibot nito ang paningin, may nakita itong isang batang babaeng mga nasa anim na taong gulang na naglalaro ng manika sa may paanan nito. "Where am I?" Napalingon ito sa dereksyon ng lalake at nanlalaki ang maliliit na mata.
Daling-dali itong lumapit sa kama kung saan siya nakahiga at umupo sa may kaliwa ng binata.
"Gising ka na po! Nasa hacienda majika po ikaw, papa." Masayang sagot nito.
Napakunot ang noo niya sa batang babae. "P-Papa? Wala pa akong anak." Saad niya rito.
Ngumiti naman ito ng ubod tamis. "Wala pa nga po." Sangayon nito.
"Then why did you call me your papa?" Takang tanong niya.
"Kasi po papa po kita."
"Hindi nga sabi ako ang papa mo."
"Hindi pa nga po." She smile again. Kunti nalang ay maiinis na siya sa makulit na batang babae.
"What?"
Dumapa ito sa gilid niya at nakatukod ang dalawang kamay sa ilalim ng baba. "Ang sabi ko po, hindi pa nga po kita papa...pero malapit na po."
"Sino ka ba?"
Ngumiti ito ng pagkalaki-laki bago sumagot, "Ako po si alyanah montecillo, mama ko po si alysson montecillo. Kami po ang future family niyo, papa." Napanganga nalang ang binata habang nakatingin sa magiliw na batang babae.
Pero agad napalingon silang dalawa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae.
"Aya!" Tawag nito sa batang babae.
Tumayo naman agad ito at masiglang lumapit sa babae. "Mama! Gising na po si papa."
BINABASA MO ANG
I Painted Him
RomancePaano kung ang lalakeng ipininta mo bigla nalang dumating sa buhay mo at naging totoo? Magical ba o may logical explanation ito? And so the story started, When I PAINTED HIM.