TATAYO, PAIKOT-IKOT AT U-UPO, yan ang paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng kwarto namin. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Alas dose na ng madaling araw, at tulog na lahat ng tao rito maliban sakin.
Ewan ko ba! Di ko alam kung bakit di maalis ang mukha nung Matthew Legaspi na yun sa isipan ko. Wala talaga akong idea kung bakit.
Napaupo na naman ako habang nakatingin sa kawalan. Ilang sandali ay napagdesisyonan kong gawin kanina ko pa gustong-gustong gawin. Iniwasan kong lumikha ng ingay habang papatayo mula sa kama. Mahimbing na kasing natutulog si aya sa tabi ko. Ayaw ko siyang magising ng dahil sa kaingayan ko.
May kanina pa kasi ako gustong-gusto gawin ngayon, nagdadalawang-isip lang ako kasi malalim na ang gabi. Pero di talaga ako makatulog hanggat di nagagawa yun.
Nang makalabas na ako, nadatnan ko ang napakatahimik na pasilyo. Pero may mga lampshades sa mga dingding kaya hindi naman masyadong madilim.
Sa totoo lang di naman nakakatakot dito. Wala naman akong nararamdaman o nakikita kahit ni minsan. Atsaka, ang sabi ko nga na mas narerelax ako sa bahay nato.
Naglakad ako sa pasilyo patungo sa pinakahuling kwarto sa dulo. Bali apat na kwarto kasi ang narito sa taas. Ang samin ay ang unang kwarto malapit sa hagdan tapos yung kasunod na kwarto na ay nasa kaliwa. Ang pangatlong kwarto ay harap nito. At ang huli ay yung kay lola ysabelle nga, yung nasa dulo.
Matagal ng hindi ginagamit ang kwarto ni lola ysabelle. Dun kasi itinago ang lahat ng damit ni lola. Pero malinis na malinis parin dun, lage parin kasing nililinisan nina manang rosana ang silid.
Nang makarating ako sa harap ng kwarto nito, walang atubiling pumasok ako agad. May kailangan akong kunin dito, hindi ako magnanakaw ha! Sa pagkakaalam ko kasi dito nilagay ni mang samuel yung gamit ni lola sa pagpipinta.
Yeah, yung mga gamit sa pagpipinta ang sadya ko rito. Para kasing may nagtutulak sakin na gumuhit at magpinta ngayon, as in ngayong-ngayon.
Nung makuha ko na ang mga materyales, hinay-hinay akong lumabas dun. Hala sana di magalit si lola ysabelle! Ibabalik ko naman agad pagkatpos kong gamitin. Papalabas na sana ako ng mapahinto ako at nahagip ng tingin ang nag-iisang malaking painting nito doon. Litrato iyon ng namayapang donya.
"Pahiram muna ng mga gamit mo lola ha?" Nakangiting paalam ko dito.
Dali-dali akong umali at baka kasi sumagot pa si lola ysabelle sakin, mahirap na. Bumalik ako sa kwarto namin at hinanda ang mga gagamitin ko sa pagpinta. Kinuha ko rin yung wooden chair namin dun at inilipat sa harap ng canvas na nakapatong sa isang stand.
Nang maready ko na lahat. Umupo na ako paharap sa canvas. "Okay let's get this painting started."
Pero natigilan ako ng may maalala. Ano nga pala ang ipipinta ko? Ano ba naman yan! Gusto kong magpinta ngayon pero di ko naman alam kung anong ipipinta ko.
Ano ba? Hmmm... ang hacienda kaya? Ay, naguhit na pala ito ni lola. Actually nakadisplay nga yung painting sa sala sa baba. Hmmm.. ano ba maganda? Oh, ako pala maganda. Tama..Tama!
Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok ang imahe ni Matthew Legaspi sa isip ko.
I sigh, "Fine. Siya nalang ang ipipinta ko." Sabi ko sa sarili ko.
Unti-unti kong inilapit ang dulo ng brush at dahan-dahang iginalaw ang kamay para iguhit ang mukha nito. From his perfect jaw line, to his two eyes... his nose and down to his lips. Di mapagkakailang gwapo ito, baliw nalang siguro ang hindi maaattract sa kanya.
Impossible it seems but I could see it... every details of his face. I've memorized it inside my mind, like I've done it scan and save it there.
Ngayon lang ako nagkaganito ng dahil sa lalake. I can't sleep because he keeps running on my mind and he was the first man I've ever painted.
BINABASA MO ANG
I Painted Him
Roman d'amourPaano kung ang lalakeng ipininta mo bigla nalang dumating sa buhay mo at naging totoo? Magical ba o may logical explanation ito? And so the story started, When I PAINTED HIM.