Umabot ng isang oras ang byahe namin galing manila papuntang davao. Nakatulog nga si aya kaya karga-karga ko siya ngayon palabas ng departure area habang hila-hila yung parang cart kung saan nakalagay yung mga maleta namin.(Sorry, hindi ko po alam tawag dun eh.)
Nagpalinga-linga ako para hanapin ang sundo namin. Sabi kasi ni attorney, dito sa airport nalang daw niya kami susunduin. Nauna na kasi itong pumunta rito para asikasuhin ang ilang bagay.
Ilang sandali lang ay nakita ko agad ito at kumakaway sakin. Kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Welcome sa davao, hija!" Nakangiting bungad niya. May kasama siyang isang matandang lalake na mukha namang mabait at nakangiti rin sakin.
I smile back at them, "Salamat po, attorney."
She smile sweetly, "Naku, tita nalang ang itawag mo sakin. Besides, I'm ysabelle's bestfriend."
"O sige po."
Tumingin ito kay aya na mahimbing paring natutulog sa mga bisig ko, saka hinimas ang buhok. "Naku, nakatulog pala itong batang to. Hali ka na at iuuwi ko na kayo sa bago niyong tirahan, alam kong napagod ka sa byahe." Huminto ito at lumingon sa kasamang lalake. "Ito nga pala si Mang Samuel, siya ang personal driver ni ysabelle noon at magiging driver mo na rin ngayon." Pakilala nito.
Ngitian ko naman ang matanda lalake. "Hello po, Mang Samuel." Sa hula ko mga nasa 50s na ito.
"Maayong buntag, ma'am." Anito.
Hala! Ano raw? "Po?" Tanong ko.
"Ang sabi ko po, magandang umaga." Paliwanag nito.
"Ahh.." Ganun pala ibig sabihin nun? Naku, kailangan ko na palang matutong magbisaya simula ngayon.
"Tayo na at mahaba-haba pa ang byahe natin." Sabat ni tita samin.
Isinakay ni mang samuel ang mga maleta namin sa likod ng isang puting sasakyan kung saan kami sasakay. Pagkapasok ko sa loob ng kotse biglang umungol si aya at unti-unting minumulat ang mga mata.
"M-Mama?" Umupo ito mula sa pagkakahiga sa lap ko at kinusot-kusot ang mata.
Sa bandang likuran kami nakaupo habang si tita leonora naman ay nasa front seat at katabi si mang samuel na ngayon ay nagdadrive na.
"Yes, baby girl?" Nakangiti kong tugon sa kanya na nakaupo na sa gilid ko.
Humikab muna ito bago magsalita ulit. "Nasa davao na po ba tayo?"
Tumango lang ako bilang sagot. Nanlaki ang mga mata nito at agad tumingin sa kaliwang bintana ng kotse. "Hala mama, nasa davao na po tayo!" Tuwang-tuwang sabi nito.
"Alam ko, baby girl." Nakangiti kong sagot.
Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano ito ka excited sa bago naming titirhan. "May mga cows, goats at horses po ba sa pupuntahan natin, mama?" Tanong niya.
Pero si tita leonora na ang sumagot, syempre wala naman akong maisasagot kasi di pa naman ako nakapunta dun. "Maraming hayop dun, aya. Hindi lang cows, goats at horses ang nandun." Lumingon ito para tignan ang bata.
"Talaga po?" Magiliw namang tanong nito.
"Oo, may mga pigs din, atsaka chicken, at marami pa."
"Wow.. mama, narinig niyo yun?" Tumingin ito sakin na may ngiti sa mga labi at nagniningning ang mga mata.
"Anak naman, syempre. Hindi naman bingi si mama." I chuckle. Natawa rin si tita at mang samuel.
She pouted her cute little lips. "Ayy.. akala ko bingi kayo. Sabi po kasi nila mga magaganda raw bingi."
"Ano yun, baby girl? Pakiulit di kita marinig." Umakto ako na parang di siya narinig sabay lapit ng tenga ko sa kanya.
"Hindi, sabi niyo po narinig niyo yun kanina. Kaya di po kayo maganda." Lalong napalakas ang tawa nung dalawa sa sinabi ni aya.
Ngumuso ako, "Maganda ako no." Kunwaring tampo ko.
Bigla itong umusog at inilapit ang tenga nito sakin gaya ng ginawa ko sa kanya kanina. "Ano po, mama? Di ko kayo madinig."
"Ahh ganun!" Kiniliti-kiliti ko siya ng bonggang-bongga. Lage ko tong ginagawa kapag niloloko niya ako, alam na alam ko kasi kung saan ang kiliti nito. Nasa may bandang hita nito.
Nagpapasag siya sa tabi ko habang ang lakas ng tawa. "Hahaha... t-tama na po, m-mama. Biro lang po...hahaha...kita, m-maganda ka na po. P-Promise!"
"Talaga?" Pagsisiguro ko.
"Opo." Hinihingal niyang sagot.
"Talagang-talaga?"
"Opo, mama! Promise." Sabay taas niya ng kaliwang kamay.
Pinaningkitan ko siya, "Eh, kaliwa naman yan eh." Turo ko sa kamay niya.
"Ay mali pala." Anito sabay baba ng kaliwang kamay at taas nung kanan. "Ayan po!"
Sabay kaming napatingin sa harapan ng magsalita si tita leonora. "Nakakatuwa kayong tignang mag-ina." Nakangiting anito. "Malapit na pala tayo."
Agad akong napatingin sa bintana para tignan ang dinaraanan namin. Medyo mapuno na pala dun, may nakita akong malaking ektaryang lupain. "Yang lupaing nakikita mo, alysson. Lahat yan pag-aari mo na ngayon."
Nanalalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya "Itong malaking lupain pong ito? Lahat akin na?" MyGosh! Ang laki!
Tumango ito.
Biglang inihinto ni mang samuel sa harap ng isang malaking kulay itim na gate. May nakacarve naman na letters sa isang malapad na kahoy dun sa gilid na parte ng gate.
'Hacienda Majika' yun yung nakalagay dun.
Ilang segundo rin at bumukas na ang gate at pumasok na ang sasakyan sa loob. Mas lalo akong namangha sa nakita ko sa loob. May napakalaking lupain pa pala sa loob niyon at ang maraming nakatanim na punuan.
Nang maabot na namin yung dulo, sinalubong kami ng isang napakalaking bahay na gawa sa kahoy, bato at semento. Sobrang ganda nung bahay, makaluma ang dating pero maganda parin. Para itong isang kastilyo na pinalilibutan ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
Nung huminto na ang sasakyan, mabilis na lumabas si aya kaya sumunod agad ako sa kanya.
Nakatingin parin ako dun sa bahay ng may pagkamangha. MyGosh! Dito na ba talaga kami titira? Unbilibaboy!
Napatigil ako sa pagtitig sa magandang bahay ng magsalita sa harapan ko si tita leonora.
Ngumiti ito, "Welcome sa Hacienda Majika."
______________________
Vote, Comment and Follow po. Wag kalimutin!
Thankie ^^,
BINABASA MO ANG
I Painted Him
RomancePaano kung ang lalakeng ipininta mo bigla nalang dumating sa buhay mo at naging totoo? Magical ba o may logical explanation ito? And so the story started, When I PAINTED HIM.