SIX: Intruder

15 0 0
                                    

SIYA YUN! Siya nga yun! MyGosh this is unbilibaboy. Di ako makapaniwala, sa dinamidami ng pumasok dito ang lalakeng ito ang napadpad sa hacienda majika.

Nang mapagmasdan ko ng maigi ang mukha niya, saka ko napansin na may mga sugat-sugat pala ito sa mukha. May mga nangingitim na pasa rin ito at putok na putok ang labi.

Mukhang may gumulpi sa kanya, at sigurado marami-rami ang mga yun. Pero paano naman ito napadpad sa lugar na ito? At pano siya naka pasok sa gate?

Marami akong tanong pero pinagsawalang bahala ko muna yun at dagli-dagling pumunta sa kwarto ni manang at mang samuel dito sa ibaba.

"Manang! Manang!" Agad kong katok ng makarating na ako sa harap ng kwarto nito.

Agad naman itong bumukas at iniluwa si manang rosana. "Aly, anong nangyari?" May pag-aalalang tanong niya.

"Tulungan niyo po ako manang!"

"May problema ba?"

Hindi ko na siya sinagot at agad hinila kung saan ko iniwan ang handsome/hot na lalakeng walang malay.
"Hala maryusep. Sino yang taong yan?" Gulat na tanong nito.

"Hindi ko po rin alam. Tulongan niyo naman po akong dalhin siya sa kwarto sa taas."

"O sige, tatawagin ko lang si samuel." Umalis muna ito at bumalik sa silid. Pagbalik ay kasama na nito si mang samuel.

Agad nitong pinangko ang lalake at dinala sa taas. Ipinasok nito sa kabilang kwarto katabi ng samin at inihiga sa kama. "Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig." Saad ni manang.

Pumunta ako sa kwarto namin para kumuha ng towel at first aid kit saka bumalik sa kabilang silid. Umupo ako sa gilid ng kama, ilang sandali lang ay nakabalik din agad si manang na may dalang basin na may lamang tubig. "Ito na, aly."

Inabot ko yun at pinatong sa lamesa sa gilid ng kama. "Salamat po, manang."

"Kaya mo na ba yan mag-isa?"

Nginitian ko siya, "Opo. Magpahinga na po kayo, ako na po bahala rito."

"Hala sige, mubalik nako sa kwarto." Anito saka lumabas ng pinto. Which leave me alone in this room with this intruder.

Agad kong sinimulan ang kailangang gawin. Pinunasan ko muna ng basang towel ang mukha nito, saka *gulp* unti-unting hinubad ang damit... sa taas. Uy wag kayong greeny! Nang tuloyan ko ng mahubad yung t-shirt niya. Nakita ko na ang masarap... I mean, yummy... ay hindi. Ahmm... sugatang katawan! KATAWAN nito. MyGosh, pak na pak ang six pack abs nito. Ang sarap pakpakin. Sheytt!

Maghunos dili ka Alysson Montecillo,baka marape mo ang walang kamuwang-muwang na lalakeng ito!

"Grabe, mas gwapo ka pala sa personal." Sabi ko sa kanya kahit na di naman niya maririnig dahil tulog na tulog ito.

Pinagpatuloy ko ang pagpunas dito at pinilit ang sariling hindi magahasa saka ginamot ang mga sugat nito. "Ano bang nangyari sayo?"

Bahagya itong gumalaw pero hindi naman nagising."...hmmm" Biglang ungol nito.

"Pano ka ba napunta rito?" Saka ko naalala ang sinabi sakin ni manang isang taon na ang nakakalipas. 

FLASHBACK

"Naku, alam mo ba, hija. Nang una kitang makita kanina, nakikita ko si donya ysabelle sayo. Hindi ko alam kung paano pero alam kong may rason kung bakit ikaw ang napili niya para mag-alaga ng lugar na ito. Kaya kumpyansa akong mapapalakad mo ng maayos ang hacienda majika." Nakangiting litanya nito.

Nginitian ko siya pabalik. "Sana nga po."

"Basta maniwala ka lang, walang imposible rito." Huminto ito saka humarap sakin. "Alam mo bang may majika talaga ang lugar na ito?"

Nangunot ang noo ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko rito.

"Maraming nangyari rito sa hacienda na nababalot ng hiwaga. Na para bang may sarili itong buhay, may majika. Kaya nga hacienda majika ang ipinangalan rito eh."

Natawa ako, "Magic po? Imposible naman po yata yun."

Ngunit ngumiti lang ito at nakatingin ng deretso sa mga mata ko na nagpatigil sakin. "Balang araw, hija. Mapapatunayan mo mismo sa sarili mo na tama ang sinasabi ko. Na may tunay ngang majika sa lugar na ito."

FLASHBACK END

Totoo nga kaya yung sinabi ni manang sakin? Kasi malaking imposible talaga! It's so impossible that the man I just painted days ago is now here.

Di ako naniniwala sa mga bagay na gaya nito. Kasi ang alam ko may mga logical na explanation ang lahat ng bagay. Magic is just part of person's imaginable mind. Pero pano nga ba? Paano nakarating ang taong to sa hacienda majika?

Napailing-iling nalang ako, "Wag ka na ngang magisip-isip ng mga bagay na ganyan, aly. Naiistress lang ang beauty mo."

Nang matapos ko na siyang gamutin at bihisan. Napatayo na ako at aalis na sana ng tinignan ko muli ang mukha nito. "Bukas tayo magtutuos, intruder." Bulong ko.

Lumabas na ako at bumalik na sa silid namin saka tumabi kay aya na tulog na tulog parin. Nang makahiga na ako, napatingin ako sa kisame, "The man I painted just came real, how strange is that?" Sabi ko sa sarili saka ipinikit ang mata at tuloyang matulog.


Third person's POV

Napaungol si matthew ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan nito. Unti-unti nitong idinilat ang mga mata at mapagtantong nasa hindi siya pamilyar na lugar.

Nang ilibot nito ang paningin, may nakita itong isang batang babaeng mga nasa anim na taong gulang na naglalaro ng manika sa may paanan nito. "Where am I?" Napalingon ito sa dereksyon ng lalake at nanlalaki ang maliliit na mata.

Dali-dali itong lumapit sa kama kung saan siya nakahiga at umupo sa may kaliwang bahagi ng binata.

"Gising ka na po! Nasa hacienda majika po ikaw, papa." Masayang sagot naman ng batang si aya.

Napakunot ang noo niya sa batang babae. "P-Papa? Wala pa akong anak." Saad ng binata rito.

Ngumiti lang naman ito ng ubod tamis. "Wala pa nga po." Sangayon nito. Talaga naman kasi raw na wala pa itong anak sa isip ni aya. Kasi kung oo, hindi na ito pwedeng maging papa niya.

"Then why did you call me your papa?" Takang tanong ni matthew.

"Kasi po papa po kita."

"Hindi nga sabi ako ang papa mo."

"Hindi pa nga po." She smile again. Kunti nalang ay maiinis na lalake sa makulit na batang babae.

"What?"

Dumapa ito sa gilid niya at nakatukod ang dalawang kamay sa ilalim ng baba. "Ang sabi ko po, hindi pa nga po kita papa...pero malapit na po."

"Sino ka ba?"

Ngumiti ito ng pagkalaki-laki bago sumagot, "Ako po si alyanah montecillo, mama ko po si alysson montecillo. Kami po ang future family niyo, papa." Napanganga nalang ang binata habang nakatingin sa magiliw na batang babae.

Pero agad napalingon silang dalawa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si alysson na kanina pa hinahanap ang bata. Natigilan naman si matthew ng makita ang dalaga na lumapit sa kanila.

"Aya!" Tawag nito sa batang babae.

Tumayo naman agad ito at masiglang lumapit sa babae. "Mama! Gising na po si papa."

Yan ang mama ng batang makulit na yan? Sa isip ni matthew. Nakatitig parin ito sa dalawa ng biglang tumingin alysson sa binatang ngayoy nakaupo na at nakasandig sa headboard.

Ngumiti muna ito bago magsalita. "So you're finally awake, intruder."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Painted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon