4

44 4 0
                                    

Mahal kong Maria Apule,

Ilang araw ang lumipas pero 'di ka pa rin maalis sa isip ko,
Eksenang pagtatago mo sa akin hindi ko malimutan.
Ano bang mayro'n sa akin at iyong pag-iwas sobrang lupit.
Mas malupit pa sa magnanakaw kung magtago.

Pag-aaral ko'y hindi ko mabigyan pansin,
Mundo ko'y sa iyo'y nakaikot at gumugulo.
Pagiging lutang sa klase hindi ko inisip,
Mas iniisip ko ang iyong problema.

Lumapit si Felice, babaeng hiling ni ina'y aking ibigin.
Lahat sila'y boto sa kanya,
Pero, bakit itong puso ko,
Sayo pa rin tumitibok.

Maghihintay sa iyong sagot sa aking mga liham,
Alam kong liham ko'y binibigay ni Luna,
Dahil tapat s'yang katiwala sa'yo.
Aasa ako hanggang ika'y sumagot.

Nalilito,
Felipe Fernandez

El Hombre Que No Se Puede Mover - (SHARDON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon