2

51 4 0
                                    

Mahal kong Maria Apule,

Mahigit dalawang linggo na ng ika'y mahulog.
Pero, ang iyong mukha, katawan at iyong anino'y 'di ko masilayan.
Sabi-sabi sa paaralan, ika'y nakabalik na.
Bakit 'di kita mahagilap sa ating pinapasukan?

Ikaw ba'y nagtatago sa akin?
Waring pakiramdam ko, may alam na ang pamilya natin.
Akala ko ba'y pagmamahalan natin ay hindi masisibak?
Pakiramdam ko, naputol na ang ating ugnayan.

Maniniwala pa ba ako sa ating pangako?
O, baka ito'y napako ng hindi ko namamalayan.
Sumpaan natin ay hindi ko binali.
Magtanong ka man sa itaas, s'ya ang saksi sa lahat.

O, s'ya aking iniirog, masakit man pero pakiramdam ko,
Ika'y unti-unting nawawala sa akin.
Panghahawakan ko ating sumpaan,
Na itinaga at inukit sa puno ng mangga ang ating pagmamahalan.


Umaasa,
Felipe Fernandez

El Hombre Que No Se Puede Mover - (SHARDON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon