"SIX months?! Grabe yan beh! Aray!!"
Napaka-loud mouth talaga nitong si Stephanie, she's one of my closest friends, kasama ni Diana na kasalukuyang papatayin sa tingin at sipa si Steph.
"Umayos ka Steph or you'll end up paying for all of these."
Ngumuso ang maingay na Management student at pinagpatuloy ang pagsubo sa fried chicken, mukhang nalipasan ng gutom 'to. Nakakaawa.
"Dhinanaman kagda mo-"
I passed some water to Steph, masiba talaga sa pagkain, maybe she's stressed again from studying.
"Hey, chew your food first. Take it easy. Hindi ka namin maintindihan."
I said habang sinisipat ang coleslaw sa plato ko.
Prenteng nakaupo lang si Diana, nakahalukipkip, may mga taong sumusulyap sa kanya kaya hindi magtatagal, siguradong pagkakaguluhan nanaman ito kahit naka-disguise.Model siya ng kilalang brand ng lingerie, bikini at sports attire.
"Diana naman, alam kong mahaba ang legs mo but don't sipa-sipa me. Inuubos ko 'to para makatakas na kaagad sakaling pagbayarin mo ko, 'wag kang magulo."
Tumabi sakin ng mas malapit si Diana, nagdidikit ang braso at legs namin.
I'll admit it, attracted na ako sa kanya even before pa kami naging magkaibigan, ang caring at ang lambing kasi niya sakin and she's easy to talk to.
However, Ms. Ludovice is in way different level, nag-iinit ako sa kanya, naffrustrate.
"Are you taking your study seriously, Steph?"
"Siyempre naman! Kaya nga ako nag-stress eating. At hindi ko kailangan matapos ang second degree ko para mapansin na tsina-tsansingan mo nanaman si Bestpren."
Sumiksik ang modelo palapit sa akin, inihilig ang ulo sa balikat ko.
"I missed her so bad, hindi mo 'ko masisisi. Magpatay malisya ka na lang and I'm gonna treat you more food."
Tumayo ang balahibo ko sa pagdampi ng labi ni Diana sa aking tenga.
"Step up Di, kulang na kulang ang sex appeal mo against Kassandra Ludovice. Every Management student heck even Professors know her, she's the epitome of beauty, brains - Aray! Pangalawa na 'yan ah!"
It seems nasipa nanaman si Steph, tumalsik ang kinakain nyang fries mula sa bibig niya.
"Tsk, hindi ako magiging pangalawa. Baby, why didn't you tell me your problem? Sakin ka na lang mag-stay."
That's the thing, ayokong humihingi ng tulong lalo na ang maabala ko ang ibang tao, if I can do it on my own then trust me, I will kahit gaano pa ka-imposible yan.
"I'm fine, don't worry about me."
They don't know about my arrangement with the CEO, ang sabi ko lang kailangan kong mag-work for her while also staying sa bahay nito.
"I always worry about you Baby, where's your phone, I'll register my other number. Please call or text me anytime and I'm gonna kidnap you wherever you are."
Yumakap sakin si Diana, ramdam ko ang lambot niya. Napansin kong tumayo na ang ibang tao to get a better view of her, mukhang nakikilala na siya kahit na tago ang inuupuan namin.
"Huwag mong ite-text yan Ember, gagawin niya talaga yan, gusto ka niyang ibahay."
Sira talaga itong si Steph, tini-trigger pa si Di. Kinuha ni Diana ang phone ko at inilagay ang nasabing numero.
"Good to know na alam mo, matalino ka rin pala Steph. Kaya mo pa bang masipa?"
Itinaas ng estudyante ang tinidor niya.
BINABASA MO ANG
Insomnia (GxG-Mature-Filipino English)
Romance"I can't get more than 5 hours of sleep for years, until ....I slept beside you." She breathed at my ear, lips tracing my lobe. "Do you honestly think I'll let you go?" Dipping her body closer, my nether region began to shudder in need. "K-Kailangan...