H A R U T O ' S
Tss. Nakakainis.
Bakit ba lagi na niyang kasama yung lalaking 'yon? Nagkukulitan pa sa pila, amp. Hindi ba nila alam na nakakabangga na sila ng mga tao sa likod at harap nila?
Parang nung isang araw, kaming dalawa ang ganyan ni Seoyoung.
Akala ko ba crush niya ako? Tsk! Parang nagbago na ata agad eh.
"Hindi ka ba kakain?"
Umiling lang ako sa tanong ng kasama ko ngayon. Nakatingin pa din ako sa dalawang naghaharutan sa pila. Sana magkasakitan kayo, lalo na yung lalaki.
Joke.
Narinig ko namang tumawa ng mahina si Wonyoung, nagtaka ako doon at saka siya hinarap.
Pinagtatawanan niya ata ako.
"Problema mo?" mahinang tanong ko. Parang nailang naman siya dahil sa reaksyon ko, bigla siyang umayos ng upo.
Tinuro niya gamit ang tinidor niya si Seoyoung.
"May gusto ka sa kanya, diba?"
Kinunotan ko lang siya ng noo at tinignan ng masama. Nilipat ko na lang ulit ang atensyon ko kayna Seoyoung. Pero wala ata siyang balak manahimik..
"Ok, sige, sabihin na nating friends nga lang ang turing mo sa kanya. Pero bakit gustong-gusto mo siya kasama palagi?"
Parang ewan 'to magtanong, wala bang mga kaibigan 'to si Wonyoung para di niya malaman?
"Kung may kaibigan ka, malalaman mo kung bakit."
"Meron akong mga kaibigan but they aren't like her."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ba papunta 'tong usapan namin. Di ba siya pwedeng kumain na lang?
"Seoyoung isn't like anybody, Haruto. Hindi mo pa siya kilala ng lubusan. Andami mo pang hindi nalalaman tungkol sa kanya.."
Parehas kayo ng sinabi ni Dohyon.
At parehas silang epal, tss.
"..She isn't what you think she is kaya hindi ko ma-gets bakit sinasamahan mo siya parati."
Ano bang meron kay Seoyoung at kailangan pa siyang siraan sakin nitong babaeng 'to dito? Choice kong sumama kay Seoyoung, bakit ba andaming nangengealam?
"Bakit ikaw?"
"Hm? Ako?"
"Bakit mo ko laging sinasamahan? Parehas lang naman tayo na sumasama sa isang taong hindi natin lubusan pang kilala."
Para siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Tss, tama kasi yung mga sinasabi ko.
"Hindi ka naman katulad niya―"
"Pano mo naman nalaman? Wala ka din namang alam tungkol sakin."
Tumayo ako at hinarap ulit siya.
"I'm not what you think I am, Wonyoung." at saka ko siya iniwan.
BINABASA MO ANG
MAD HATTER 'ʰᵃʳᵘᵗᵒ
Short Story"Hindi ako katulad ng inaakala mo." ✦ He always thought that he's the bad guy until he met her and learned what she's capable of. ✧ Haruto Watanabe. TreasureLand Series #1. Seoilteru 2020.