Chapter 2

24 2 0
                                    

|Ylla|

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong lalaki, nakakabuwiset ng araw.

Akala niya magpapatalo ako? Pwes nagkakamali siya, lalaban ako kahit na madungisan ang pagkatao ko.

Kahit mahirap lang kami, hindi ako makakapayag na api-apihin ako ng ibang tao, lahat ng tao dito sa Earth mayaman ka man o mahirap pantay-pantay lang.

"Attention everyone! I'm the new SSG president! The girl sitting at the 3rd bench Ms. Ylla Fuentabella kindly proceed to my office now!". (Sabihin niyo lang kong wrong grammar.)

Bakit kaya ako pinatawag ng president? Atsaka bakit niya alam na nasa 3rd bench ako naka-upo? Posible kayang nakatingin siya sakin? Imposible na man yun.

"I repeat! The girl sitting at the 3rd bench Ms. Ylla Fuentabella kindly proceed to my office now!".

Pa-ulit-ulit ang peg natin ngayon.

Pwede naman niyang hindi na ulitin, nakakonekta kaya ang speaker na ginamit niya sa boung paaralan.

Oh My God! Ngayon lang ako napatawag ng ganito. Noon kase sinasabihan lang ako ng teacher ko na pumunta sa office. Pero ngayon? Natatakot tuloy ako pumunta.

"Ms. Ylla wag mo ng hintayin na ako pa ang hahatak sayo papunta dito sa office ko!".

Shit! Nakakahiya, pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Kaya, no choice?

Papunta na sa office ng buwiset na president, ano kaya ang pumasok sa kokote niya at pinatawag niya ako? Pwede namang puntahan niya ako at papuntahin sa office niya, gusto talaga niya akong mapahiya ano?

Wait lang! Lalaki ang SSG president namin? Akala ko babae? Mukhang truoble na nga 'to.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagpasok ko, naka-upo siya sa swivel chair at nakayuko ang ulo niya sa table kaya hindi ko makita ang mukha niya. Kinabahan tuloy ako.

"Morning Mr. President", magalang kong bati.

"Have a seat", his voice look's familliar.

Saan ko nga ba yun narinig?

"Bakit niyo po ako pinatawag?", mgalang paring sabi ko.

"Hindi ko alam?".

Uminit na talaga ang ulo ko!

"Alam mo? Buwiset ka rin ano? Pinatawag mo ako dito tapos sasabihin mong hindi ko alam? Pinatawag mo pa akong gamit ang buwiset na speaker na yan, napahiya pa ako! Ano ba talaga ang kailangan mo sakin?!" mahihighblood ako nito ehh. Buwesit siya.

Iningat niya ang kanyang mukha!

"Ikaw na naman Mr. Ano ba ang kailangan mo sakin hah?", buwiset talaga tong lalaking toh.

"Paano kong sabihin ko sayo na ikaw ang kailangan ko", seryoso niyang sabi.

"A-no? Nababaliw ka na ba? Marami namang iba dyan ang may kailangan sayo, bakit ako pa? Hindi naman kita kailangan. Kung ako sayo wag ka nang magbiro?", seryoso kong sabi.

Parang binagsakan siya ng langit sa sinabi ko? Totoo naman hindi ko siya kailangan.

Tumalikod siya sakin.

"Makaka-alis kana Ms. Fuentabella", matigas na sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas sa office niya. Na-offend ko ata siya? Ano ba itong nararamdaman ko parang nagui-guilty ako sa lahat ng mga sinasabi kong masakit tungkol sa kanya?

Bumalik ako sa office niya. Kumatok ako ng tatlong beses hindi na ako pumasok nakatayo lang ako sa labas.

"I'm so sorry sa lahat ng mga masasakit na salitang binitawan ko, nadala lang ako ng galit, I'm so sorry", umalis na ako, hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Naglakad-lakad na lang na lang ako sa field. Bakit ba pakiramdam ko, pasan ko ang problema ng mundo? Masama na ba ako?

Haist! Ang hirap talaga ng buhay. Hanggang buntong hininga na lang.

"Well? Well? Well? Napahiya ka raw kanina? Totoo ba yun?", walang iba kundi si Amanda.

Hindi ako sumagot, mahirap na kung patulan ko pa, nakakabawas ng ganda. Hindi ko na siya pinansin, dina-anan ko lang siya kasama ang mga alipores niya. Hinablot niya ang braso ko.

"Hoy! Pagkinaka-usap kita wag kang bastos!", galit na sabi niya.

Uminit na talaga ang ulo ko.

"Alam mo? Kung wala kang mapagtripan, wag ako Amanda?", seryoso kong tanong.

"Aba! Matapang kana ahh. Bakit? Dahil ba kakampi mo na ang bagong SSG president?".

"Alam mo Amanda? Wala siyang kinalaman dito.".

"Aba! Sumasagot ka na!".

Sasampalin niya sana ako, buti na lang nasalag ko ng walang pag-alinlangan.

Kita ko sa mga mata niya ang takot dahil sa ginawa ko.

"Wag kang magmatapang sa harap ng maraming tao, dahil hindi bagay sayo. Dahil ba Mayor ang daddy mo, nagmamatapang kana? Oh common Amanda, alam naman nating lahat kung walang posisyon ang ama mo sa gobyerno walang-wala ka rin!", ginagalit niya kase ako.

"Ano bang maipagmalaki mo? Ampon ka lang naman ng mga dukha!".

"Ehh ano naman kong ampon ako?", grabe naman to makapanglait.

"Ang isang dukhang katulad mo, hinding-hindi nababagay sa lugar na to!", natawa naman ako.

"Opps! Dyan ka nagkakamali Amanda. Diba galing ka rin dyan? Wag mo namang kalimutan ang pinanggalingan mo, baka kase balang araw babalikan mo kung saan ka nanggaling!".

"Ang kapal ng mukha mo!! Naiinggit ka kase, dahil mayaman na kami".

"Bakit naman ako maiinggit sayo Amanda? Yumaman lang naman kayo dahil sa lotto, at naging Mayor ang tatay mo dahil sa pera. Kung gusto kong yumaman, gugustuhin ko. Ngayon sabihin mo Amanda? Dapat ba akong mainggit sayo?".

Yumuko na lang siya, siguro sa hiya at galit.

"Tandaan mo Amanda! Hindi ka Diyosa para sundin ka ng lahat dahil mayaman ka. Wag kang magtiwala sa yaman na meron ka ngayon dahil sa isang pikit mo lang mawawala ang lahat na parang bula Amanda", alam kong may magandang side si Amanda hindi lang niya pinapakita.

"Kung ako sayo Amanda? Tigilan muna yang kahibangan mo! Hindi pa huli ang lahat, magbago kana".

Sana lang matauhan na siya sa mga sinabi ko.

His Love (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon