|Ylla|
“Nay! Lalabas lang ako saglit! Bibili lang ako ng load, pang research”.
“Sige nak! Dalian mo, gabi na sa labas!”.
Ang hirap talaga pag malayo ang bahay niyo sa tindahan. Tiis-tiis muna kaysa naman wala akong grades bukas hindi ba? Ayoko nang mawalan ng scholarship nakakasawa na.
“Tagay tayo!”.
“Isang buti nga ng alak aling Rosa!”.
Sila ang mga tambay dito, kung titignan mo sila sa mukha para silang mga adik at basagulero pero deep inside may mabuting kalooban.
“Aling Rosa, bibili ako ng load pang GoSURF!”.
“Ylla! Ikaw pala yan! Kumusta sa school?”, tanong ni Mang Dado.
“Mabuti naman po! Kayo kumusta?”.
“Eto! Tambay pa rin, walang nagbago”.
“Kita ko nga Mang Dado!”, natatawang sabi ko.
“Kapag may nang-away sayo sa paaralan niyo, sabihan mo kami agad, reresbakan namin. Diba mga pare?”.
“Oo Ylla!”.
“Kaming bahala!”.
“Sabihin mo lang Ylla!”.
“Sus! Wag kang maniwala dyan Ylla, mga duwag yan!”, tawang sabi ni Aling Rosa.
“Hindi kami duwag sadyang natatakot lang talaga kami!”.
Napuno ng tawanan sa labas ng tindahan. Paano ba kase, ang laki-laki ng mga katawan nila pero natatakot silang makipag-away.
Pagdating ko sa bahay, nanood sila nang “Ang Probinsyano”. Nakaka-irita talaga ang dramang 'to parang walang katapusan, lahat na siguro ng mga artista sa ABS-CBN may role na sa dramang 'to. (Sorry sa mga Probinsyano lovers jan..... peace yow!)
Pumasok na ako sa loob ng kwarto, para mag-research sa assignment ko para bukas. Nakakahiya na kase kay ate Ara, palagi na lang ako nakiki-research sa phone niya.
“Ylla papasok ako?!”, sigaw ni nanay sa labas.
“Sige lang nay!”.
Pagpasok ni nanay, umupo agad siya sa kama na hinihigaan ko.
“Nak may sasabihin ako sayo!”.
Hindi ako umimik.
“Nung nakita ka namin ng tatay mo sa mall. Naawa kami sayo, iyak ka ng iyak non.
Inireport namin sa Police Station na nawala ka, nag-antay kami ng ilang araw, ilang buwan at hanggang umabot ng taon. Ang tanging nakita lang namin, yung suot mong kwentas na may nakaukit na “Ylla Fuentabella”. 'Yan ang tunay mong pangalan hindi namin pinalitan ng tatay mo dahil sigurado kaming hahanapin ka ng mga tunay mong magulang. Simula't sapul alam na alam mong hindi Fuentabella ang apiledo namin kundi Castro. Kung dumating man yung panahon na kunin ka samin ng totoo mong magulang, hindi ka namin ipagkait sa kanila dahil alam kong ilang taon silang nangulila sayo at ikaw rin. Sana 'nak hindi mo kami makakalimutan”.