|Ylla|
Gabi na ako naka-uwi. Dahil sa galit ko kanina nasipa ko talaga siya. Pano ba naman kase sinabing sa kanan kami dumaan, ang tigas ng ulo sa kaliwa talaga siya dumaan ayan tuloy hindi niya namalayan na may matulis pala na bato. Booom! Naflat ang gulong.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa vulcanizing shop. Ang sarap kaseng iuntog yung ulo niya.
Sigurado akong hindi na siya mangungulit sakin, paano ba naman binugbog ko siya. Physical na kung physical, kahit ipa-Tulfo niya ako wala akong paki-alam.
Tapos pag-uwi ko sa bahay senermonan ako ni nanay dahil umalis daw ako na hindi ko isinara ang pinto.
Noong dumating siya sa buhay ko, puro kamalasan na lang ang naidudulot niya sa akin.
Makatulog na nga!T
————————————————
Paggising ko, nagtaka ako na walang tao sa buong bahay.
Bigla na lang bumukas ang pinto.
“Sumama ka samin miss kung gusto mo pang mabuhay ang pamilya mo!”.
Dahil sa takot ko, walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa sa isang lumang gusali.
Nakita ko sina nanay, tatay, at Arriane.
Bugbog sarado si tatay.
Umiyak lang ako ng umiyak.
“Ano bang kailangan niyo samin!”.
Sa wakas lumabas ang katagang yun sa bibig ko.
“Wala kaming kailangan sa inyo, ang boss lang namin!”.
Bakit ba ang malas ng buhay ko.
“Ano bang kailangan ng boss mo samin! Wala kaming pera! Andami nga naming utang! Pls parang awa muna kuya pakawalan muna ang pamilya, ako na lang wag lang ang pamilya. Parang awa muna!”.
T _ T
“Ang katulad namin miss, hindi marunong maawa. Kahit anong gawin mo hinding-hindi kami maaawa sayo!”.
Tumalikod na si kuya sakin.
“May pamilya naman siguro kayo? Kung ganito rin ang mangyayari sa kanila, anong mararamdaman mo? Lahat ng tao dito sa mundo natatakot mawala ang pinakamamahal nila sa buhay, kagaya ko natatakot akong mawala sila sa buhay ko! Kaya parang awa muna kuya pakawalan niyo na kami? T _ T ”.
“Maawa?”.
May dumating na lalaki, nakamaskara siguro ito na ang boss nila.
“Hahahaha! Bakit? Nung pinatay ng mga magulang mo ang pamilya ko? Naawa ba sila? Walaaa! Bata pa ako nun, sinabi ko sarili ko na paglaki ko maghihigante ako. Pina-imbestigahan ko kung sinong walang awa ang pumatay sa magulang ko! 'Yang mga walang awa mong magulang ang pumatay sa magulang ko. Bata ako nun, pero nakaramdam na ako ng paninikip sa dibdib, bata pa ako naulila na ako. Lahat ng mga yaya sa bahay, iniwan ako dahil wala na si papa at mama wala na daw'ng pagpapasweldo sa kanila! Buti na lang may naawa sakin, pinatira nila ako sa bahay nila at tinuring parang tunay na anak! Dahil sa magulang mo namatay ang mga magulang ko! Wala silang awa! Hindi nila inisip ang nararamdaman ko! Ipaghihigante ko ang pagkamatay ng mga magulang ko! Dapat maranasan mo ring mawalan ng magulang!”.
Ang mga magulang ko mamatay tao? Imposible yan! Tapos ano daw, dapat maranasan ko ring mawalan ng magulang?
“Bakit? Ikaw lang ba! Nawalan din ako! Buti nga ikaw alam mo kung sino ang pamilya mo! Ako? Wala akong ideya kong sino sila, kung humihingi pa ba? Wag kang magsalita na dala mo ang problema ng mundo! Hindi lang ikaw ang nawalan, ako rin! Sobrang sakit, simula bata hindi ko na nakakasama ang mga tunay kong magulang, buti nga ikaw nakakasama mo ang magulang mo, bago sila mawala dito sa mundo! Ngayon sabihin mo dapat maranasan ko ba ulit na mawalan ng magulang? Katulad mo may nagpalaki din sakin! Natatakot ka rin naman sigurong mawala ang pamilyang tumulong sayo? Kasi ako? Natatakot akong mawala sila, nawalan na ako, ayaw kong sila din mawala sakin! ”.
Hindi lang naman siya ang nawalan. Nawalan din ako T _ T
“Tama na ang drama! Panuorin mong unti-unting malagutan ng hininga ang mga magulang mo!”.
“Gusto mo ako na lang parusahan mo wag lang sila! Parang-awa mo na”.
Umiyak lang ako ng umiyak.
“Tumahimik ka! Panuorin mong mawala dito sa mundo ang mga magulang mo!”.
“Parang awa mo na! Pakawalan mo na sila! Nakiki-usap ako sayo. Huhuhu. Parang awa mo na T _ T ”.
*Bang* *Bang* *Bang*
“Waaaaggggggg!!!”.
“Tamaaaa naaaa!!!”.
“Waaggggggg!!! Paranggg awaaaa mo na”.