Chapter 11

2 1 0
                                    

|Ylla|





Maaga akong pumasok dahil maglalakad lang ako.

Trip ko lang maglakad sa daan ngayong araw.

Sana hindi ko makita ang pagmumukha ng lokong yun.

Pagdating ko sa gate, may nagkukumpulang mga estudyante. Ano kaya ang meron?

Cute may kuya ka?!”.

Ang gwapo mo!”.

Kumain ka ng marami! Hihintayin ko ang paglaki mo!!”.

“Ang cute mo talaga!”.

Sino naman kaya yan?

Sumingit ako, para lang makita kung anong nangyari. Naging chismosa na ako nito!

“Ate!!”.

Anak ng tokwa! Bat ba to nanggugulat!?

“Hi! Ate”.

“Anong ginagawa mo dito bata?”.

“Dumalaw lang”.

“Talaga?! Dumalaw ka lang?”.

Hindi ba naman ako sinagot?

Ang mga fangirl ng batong 'to, nagulat sila dahil kinausap ako.

“Look girl”.

“May something sa kanilang dalawa?”.

“Ang swerte naman ni ate!”.

“Oo nga! May kapatid siyang gwapo.

Ano raw? Kapatid ko 'to? Imposible

Hinila ko na si Yllo sa loob. Baka mapahamak pa siya sa labas ang daming humanga sa kanya. Daig pa niya ang artista.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Bakit ba kase pumunta kapa dito?”.

“Wala lang”.

“Daig mo pa ang artista ahh”.

“Ganun talaga ate! Basta gwapo andaming humahanga sayo!”.

“Suss! Ang hangin mo naman!”.

“Oo nga ate!”.

Umupo kami sa bench.

“Halika ka nga dito”.

Lumapit siya sakin. Ginulo ko ang maayos niyang buhok.

“Ate! Baka mawalan ako ng mga fangirl niyan!”.

“Ang bata mo pa! Ilang taon kana?”.

“Thirteen!”.

“Ang bata mo pa!”.

“Ate binata na ako”.

“Sige na nga”.

Kinurot ko ang pisngi niya ang cute kase.

“Aray! Ate naman”.

“Sorry! Ang cute mo kase!”.

“Mana sayo ate!”.

Wow hah? Mana raw sakin!

“Pero mas cute ako sayo”.

His Love (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon