|Ylla|
Pagpasok ko sa school. Marami ng mga estudyante sa field. May nagchichikahan, may naglalaro, at may naghaharutan.
Bakit ko ba sinabi na ilakad ako kay Kurt? Nakakahiya tuloy. My God, ang desperada ko naman.
Ma-chat nga ang mokong.
Ylla: Hoy! Kalimutan
mo na yung first
condition ko, iibahin
ko na, mag-iisip lang
ako ng isang arawAba! Ang mokong typing agad.
Brix: Nasaan ka?
Ylla: Rooftop, bakit?
Hindi na nag-reply ang mokong, siguro busy siya, hindi naman kase basta-basta ang maging isang SSG president.
Rooftop is my hang out, everytime na wala kaming klase, wala akong ganang pumasok, at recess time.
Buti na lang 9:00 A.M ang klase namin may 40 minutes pa akong time para magliwalil.
Bumaba ako sa rooftop at gumala sa may garden, sa likod ng SSG building. Umupo ako sa may bato, pinagpagan ko muna bago ako umupo.
Ang unfair lang ng tadhana sa 'kin. Bakit hanggang ngayon hindi ko parin nakikita o nahahanap ang totoo kong pamilya? Mabait naman ako pero minsan may sayad, pero ok na.
Tatanggapin ko naman kung mas mahirap pa sila kaysa samin ngayon. Ang importante sakin mayakap at makita ko sila.
Ang hirap talaga mawalay sa totoo mong magulang kahit mahal mo ang mga pamilya na kumupkop sayo feeling mo may kulang parin, siguro ang totoo kong pamilya ang kulang sa buhay ko, siguro pag nandiyan na sila kumpleto na ang buhay ko.
Hindi ba sila masaya? Kase ako masayang-masaya, pag nandyan sila kahit nagtatampo ako, dahil nila ako hinanap ng mahabang panahon.
May mga kapatid kaya ako?
A big question sa buhay ko, hanggang ngayon na hindi pa rin nasasagot. SINO ANG TOTOO KONG PAMILYA?
Hayy ang hirap talaga!!
Tumayo na ako, papasok na ako sa classroom. Nakakatamad din pa lang magliwalil, ano?
Papasok na sana ako ng biglang tumunog ang speaker.
"Attention! All students proceed to the court now!".
Ano kaya ang meron?
"Attention! All students proceed to the court now!".
Nasa pinto na sana ako ng court ng nararamdaman kong ihing-ihi na ako. Pwede naman sigurong malate ako, may dahilan naman ako.
Tumakbo ako ng mabilis sa comfort room ng classroom. Pumasok agad ako sa isang cubicle, sa sobrang pagmamadali panlalake pala tong comfort room na napasokan ko. Bahala na iihi lang naman ako hindi naman ako mag popo eh.
Lumabas agad ako, tumakbo na naman ako. Sa sobrang katatakbo natapisod ako kaya ayun natumba ang ate niyo, ang tanga lang. Buti na lang wala ng estudyante sa paligid siguro nandoon na silang lahat.
Speaking of court, bumangon ako ng mabilis, at tatakbo na naman ako ng mabilis. Parang si Flash lang sa The Justice League.
Pagdating ko sa pinto ng court, huminga muna ako ng malalim, mahirap na. Tinulak ko ang punto, at sa kamalas-malasan naman oh nagsanhi ito ng malakas na tunog, kaya lahat ng mga estudyante ay napalingon sa gawi ko. Tinignan ko ang nasa unahan.