|Ylla|
“Ylla! Jusko gumising kana!”.
Nagising ako ng may dumapo sa aking pisngi.
“Ma?!”.
“Binabangungot ka anak, narinig ka namin sa labas sumisigaw at umiiyak. Ayos ka lang ba?”.
Niyakap ko si mama ng mahigpit, tumulo pa rin ang mga luha ko.
“Shhh! Tama na panaginip lang 'yun”.
Lumapit sa amin si Arriane habang si tatay naman nasa pinto.
Akala ko wala na talaga sila, panaginip lang pala 'yun. Pero umiiyak pa rin ako.
“Tama na nga ate. 'Wag kang OA panaginip lang 'yun!”.
Sarap sapakin neto. Kung alam lang talaga niya, naku!
“Tama na nga Ylla! Para ka namang timang dyan!”.
Grabe si tatay, timang ba naman ang tawag sa akin.
Tatay ko ba talaga 'to? Joke lang
“Paano kase, ang sakit ng sampal ni nanay!”.
Binatukan ako ni nanay at ni Arriane.
Lalapit sana si tatay.
“Tay 'wag mo nang dagdaggan!”.
“Alam mo ate, ang OA mo talaga! Ang sarap niyong pagsamahin ni Yllo!”.
Teka lang ha.
“Bakit nasali si Yllo sa usapan?”.
“Pareho kase kayong dalawa, may problema sa utak!”.
Sumusobra na 'to ah.
“Alam mo! 'Pag ang isang babae nag-oopen ng topic tungkol sa isang lalake ay may gusto ito sa kanya. Sabihin mo sakin Arriane, may gusto ka ba kay Yllo?”.
“Huh? Ako magkakagusto sa lalaking yun? Asa pa siya, hindi ko siya magugustohan!”.
Ang bilis ahh. Wala pa ngang one second nakasagot agad.
“Alam mo Arriane, hindi naman masamang umamin!”.
“Bakit ka ba namimilit ate?!”.
Susss!
“Narinig niyo yun nay? Namimilit raw ako. Sinabihan lang kita na hindi masamang umamin, namimilit na agad?”.
“Tama na nga yan! Mag-ayos kana dyan Ylla!”.
“Opo nay!”.
Lumabas na sina nanay.
Hayst! Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang bangungot na yun!
Dapat kalimutan ko na 'yun! Tama Ylla panaginip lang 'yun! Isang masamang panaginip!
Sabi nila ang panaginip ay kabaliktaran sa totoong buhay.
Pumunta ako sa banyo at naligo.
Pagkatapos bumaba na ako.
“Nay! Si Tatay?”.
“Nasa likod-bahay!”.
Pumunta ako sa likod bahay. Nakita ko si tatay, dinidiligan ang mga halaman.
“Tay! Tulungan ko na kayo”.
“'Wag na anak”.
“Si tatay naman oh”.
Ngumuso na lang ako. Kaya, palaging galit si nanay dahil hindi kami pinapatrabaho ni tatay dito sa bahay.
“Manood ka nalang”.
“Gusto ko din, diligan ang mga halaman”.
Nagpacute ako kay tatay, para naman effective ;-)
“Wag ng matigas ang ulo!”.
“Sige na nga!”.
Umupo na lang ako. Nanood lang ako kay tatay kung paano niya diligan ang mga halaman.
“Ate! Ate!”.
Bakit ba sumigaw 'to?
“Tumahimik ka nga ang ingay mo”.
“May naghahanap sayo!”.
First time 'yun ha.
“Sino raw?”.
“Basta! Bilisan mo!”.
Ang hilig talaga, sumigaw nito. Sarap bitayin patiwarik.
“Pwede ka namang hindi sumigaw. Malapit lang tayo sa isa't isa kung makasigaw wagas”.
“Watevah!”.
Pasapak talaga siya!
Hinila niya ako papuntang sala.
“Teka lang hah. Sino ba yan?”.
“Hello!”.
Kung minamalas ka nga naman oh.
Hinila ko siya sa labas ng bahay.
“Bakit ka nandito?”.
“Aayain sana kita”.
Akala ko mag sorry siya about kahapon. Ang kapal talaga nito. Pramis!
“Ayaw ko”.
“Sige na please”.
Nagpacute pa ang loko.
“Ayaw ko nga”.
“Kahit ngayon lang. Ang damot nito”.
“A. Y. A. W! Ayaw!”.
Tumaas na ang boses ko. Nakakairita talaga siya kahit kailan.
“Kita na lang tayo bukas”.
Buti na lang hindi na siya namimilit.
“Mauna na ako. Isip bata!”.
“Lumayas kana!”.
Tumalikod na siya sakin.