|Ylla|
Hindi ko namalayan na alas singko na pala ng hapon, dadaanan ko pa si Arriane.
Lumabas agad ako sa gate at pumara ng jeep. Buti na lang may dumadaan na jeep dito sa school kahit pasikot-sikot.
Bumaba agad ako sa sinasakyang jeep. Pinapasok agad ako ni manong guard. Naglalakad ako sa rooom kung saan ang kapatid ko.
“Ateeee!!”.
Lumingon ako.
“Ohh! Ikaw pala bata!”.
“Na-miss kita ate”.
“Agad-agad”, natatawang sabi ko.
“Ganon na nga. Hehe”.
“Dito ka pala nag-aaral?”.
“Oo ate. Transferee lang ako. Galing ako ng states”.
“Astig! States talaga?”.
“Hehe”, napakamot na lang siya ng ulo.
Nagkwentuhan kami about sa pagdating niya dito sa Pilipinas.
“Yllo! Where are you?!”.
Sigaw ng kung sino.
“I'm here kuya!”.
Naguguluhan ako ahh.
“Let's go Yllo. It's getting dark”.
Familliar? Lumapit samin ang lalaki. And then boom!!
“Bakit hindi mo sinabi sakin Yllo? Na may maganda ka palang kasama”, sabay kindat niya sa 'kin.
Buwiset? Inirapan ko lang siya.
“Kuya mo to?”, turo ko kay mokong na buwiset, walang iba kundi yung demonyong SSG president namin.
“Oo ate. Si kuya Brix”.
Magkapatid pala tong dalawa. Buti na lang hindi nagmana si Yllo sa kuya niya. Titignan mo hindi sila magkamukha, saan kaya nagmana ang mokong?
“Pano ba yan! Alam mo na ang pangalan ko, bagay ba sa gwapo kong mukha?”.
I need jacket pls, ang hangin kase, nakakasuka!
“Bilib ka rin sa sarili mo noh? Maka-alis na nga ang hangin kase. Next time na lang bata!”.
“Sige ate!”.
“Saan ang goobye kiss ko?”.
Kapal nito!
“Hindi kita ka-close! Goodbye kiss ka dyan! Sapakin kaya kita?”.
Buwiset siya! Pagnakikita ko siya, nabwibwiset ako.
“Yllo? May sinabi ba akong goodbye kiss? Wala naman diba?”.
Palusot pa ang mokong. Tawa lang ang sinagot ni Yllo.
“Sige ate! Uuwi na kami!”.
“Sige! Hanggang sa muli!”.
Hinanap ko si Arriane, wala kase siya sa room nila. Umupo ako sa bench, napagod ako kakalibot sa buong lugar, gumabi na.
Nasaan ka na ba Arriane?
“Ate sorry! May niresearch lang ako, pumunta ako ng library”.
“Ayy kabayong palaka!”, sino bang hindi magugulat? Ang tahimik ng lugar tapos may biglang nagsalita.“Wag ka namang manggulat, atsaka ok lang naman yun”.