Prologue

919 57 10
                                    

"You have changed," sabi niya saka ngumiti nang malungkot.

Oo, nagbago na ako. Hindi na ako ang Stephanie na mahina at kinakawawa lang noon.

"But you know what? Kahit na nagbago ka, hindi pa rin nawawala ang Stephanie na minahal ko. Oo, nagbago ka na nga, pero hindi nagbago ‘yang puso mo,"

"JK stop that!"

"Alam kong wala ka ng nararamdaman sakin. At alam kong galit ka pa rin sakin. Pero sana, you’ll let me. Give me another chance please," biglang pumapatak ang luha niya.

Tila ba ako’y naging bato. Ni lungkot o awa wala akong maramdaman. Ako’y naging manhid.

"At ano naman ang gusto mong gawin?" tanong ko nang nakataas ang kilay.

Mas matapang na ako ngayon, Karlos. Mas matatag. Hinding hindi na ako magpapaloko ulit sa'yo. Hinding hindi na.

"Just let me make you fall in love with me again."

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon