Mr. Heart

31 2 0
                                    

Dugdug. Dugdug.

Nag-iingay na naman ang laman loob ko.

Ewan ko ba. Bakit kaya?

Hindi naman ito gaya ng tyan ko na nag-iingay kapag nagugutom… siguro dahil buhay ako kaya ganon. Pero parang may iba eh!

Para sa karamihan tumitibok ang kanilang puso dahil sa taong ng papakilig sa kanila, nagpapasaya sa kanila, nagmamahal sa kanila at nandyan palagi sa kanila.

Ganon siguro ang mga taong sobrang healthy ng love life. Sana ako rin.

Sa akin, tumitibok ng malakas ang aking puso kapag tinawag ako ng teacher. Ayoko nun! Lalo na kapag oral… di jk lang. tumitibok ng malakas ang puso kapag nandyan ang crush ko malapit sa akin. Napaka timang ko no? yan nga rin sabi ng mga kaibigan ko. Di ko naman kasalanan ah, si Mr. Heart kasi!

Meron akong secret love life. Paano?

Eh di may boyfriend ako pero ako lang ang nakakaalam.Actually, marami ‘kong crush kaya marami akong boyfriend (HAHAHAHA ang landeeeee!). Bale every year meron ata akong bagong crush…Parang timang no? Crush crush lang naman eh.

Dugdug. Dugdug.

Ayan nanaman si Mr. Heart tumitibok nanaman ng sobrang lakas...

Gusto ko siya hindi dahil gwapo siya, maporma, matangkad, at kung ano pa kundi dahil sa kung basta na naramdaman ng puso ko sa kanya.

Siya ang nakapa bago ng pintig ng puso ko. Ibang iba ito sa nararamdaman ko sa iba kong mga crush. Naku lagot! Tinamaan na siguro ako ng matindi! Mr. Heart talaga oh.

He Could Be The Boy But I'm Not The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon