Love at First Sight

20 2 0
                                    

Love at first sight????
HAHAHAHA. Srsly? May ganyan ba talaga?

Di pa kasi ako nakadanas nyan at hindi ako naniniwala sa mga ganyan... Lalo na sa mga “True love never dies”, “FOREVER” at kung ano pang chuchu thingy na yan.

Teka! Ano tong nangyayari sa akin?

Nung nakita ko siyang dumating… parang tumigil ang mundo ko, nawala ang nasa paligid namin at biglang bumagal ang kanyang galaw. Ang corny di ba? Pero yan ang naramdaman ko nung nakita ko siya. Pag-ibig nga naman!

Seryoso. Talagang ibang iba siya sa mga lalaki na nakilala ko. Kung nakita mo siguro ang pagmumukha ko nung nakita ko siya HAHAHA… buti nalang wala, ampangit eh. Nakakabighani yung porma nya, yung kilos at tindig nya. Hay! Pag tinamaan ka nga naman.

Sa totoo lang, nung kinuwento siya sa amin wala akong kainterest-interest sa kanya. Alam nyo na marami na akong boyfriendssss kuno haha! Kahit na sinabi nilang gwapo siya, mabait at kung ano pa pero nagbago ang lahat--- yung bigla akong nagka interest sa kanya. Ewan ko ba!

Ito na kaya ang sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT?

LORD! Sana wag nang matapos ang araw na ‘to. Ngayon lang talaga ako nakadama ng ganito. Ang sarap sarap kahit nag mumukha akong timang sa kangingiti.

He Could Be The Boy But I'm Not The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon