Stalker Agad?

18 2 0
                                    

Malaki ang pasasalamat ko sa SNS dahil naging updated ako sa kanya. Medyo mas nakilala ko pa siya dahil dito--- yung alam ko anong nararamdaman niya ngayon, kung saan siya naroroon, kung sino ang kasama nya, anong kinakain nya at kung ano ang ginagawa nya. Kaya nabigyan ako ng title na “Ms. Stalker”.

Nakuuu! STALKER agad??! Hindi po ako stalker nakiki chika lang po HAHAHA. Ito lang ang tanging paraan para makita ko sya kahit sa mga selfie nya. Mga selfie nya na lalong nakapabaliw sa akin kaya dina-download ko ito para gawing wallpaper ng cellphone ko. Kahit sa ganyan lang, napapangiti na ako ng sobra--- yung matanaw ang kanyang maamong mukha.

Pagka gising ko account niya agad ang binibisita ko pati na sa pag uwi galing sa paaralan. Kaya minsan nasasaktan ako dahil sa mga nakikita ko na para sa akin ito’y di kaayaya sa aking paningin. Ang makita ang kanyang mga post na may kasamang babae, ang mabasa ang mga comment ng mga babae at yung mga landian banats nila. Oo, inaamin ko nag seselos ako. Halata naman di ba? Kasalanan ko naman dahil sinasadya kong buksan ang account niya kaya ito ang napapala ko. Ang SAKIT. Ganyan lang talaga ang pag-ibig may masaya-may nasasaktan at may iniibig-may kinakaibigan lang. 

Sinusubukan kong tigilan ang gawaing ito para iwas sakit sa heart. Kaya nililibang ko ang sarili ko para magawa ko ito--- pero ang pagkakataon na mismo ang nagpapakita sa akin. STALK pa more tih!

He Could Be The Boy But I'm Not The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon