Almost Is Never Enough

16 1 0
                                    

Lalo pang sabihin nating “nahulog” ako sa kanya dahil sa mga katangian na hinahanap ko. Sino bang hindi kikiligin? Hindi na ito ang oras sa pagiging manhid, minsan lang to teh! Palagi kaming nag bibiroan, nag tetext, naglalambingan at yung gawain ng magkakaibigan kaya naging magaan ang loob namin sa isat isa.

Napapa-isip tuloy ako… kung pareho kami ng nararamdaman o sadyang napaka assuming ko lang talaga?

Agad-agad naman itong nasagot… ang masakit lang ay yung ayaw kong sagot ang sagot. Alam kong di pwede yun, hangsakit lang kasi na akala ko may spark na sa aming dalawa yun pala short circuit lang. short circuit!

Ang saklap talaga! Ba’t ba ang damot damot ng tadhana sa akin? Ba’t pinagkakait sa akin ang kaligayahan ko?

Ganyan ba talaga ang kasama para di mahalin ng iba? Pangit ba ako? Ayy! Oo alam ko yan… pero wag naman ganyan. Di naman mukha ang tumitibok, puso po! Puso!

He Could Be The Boy But I'm Not The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon