Dating Tayo

19 2 1
                                    

So ito. Ito ang naging dulot ng masaklap at masakit na pangyayari sa buhay pag-ibig ko. Ang puso kong masiyahin at punong puno ng pagmamahal... ngayon ay walang kabuhay-buhay. Kahit ganon kelangan kong bumangon para sa sarili ko pero di na tulad ng dati.Kung dati naeexcite akong gumising para masilayan ang mukha niya sa screen ng cellphone ko, matext siya ng "good morning" na may kasamang smiley na marami at matignan ang SNS accounts niya… ano ngayon? Pfft. Haha! Edi ito daig pa ang zombie kumilos at naiinis ako dahil naka sanayan ko na tignan agad ang cellphone ko pagkagising. Eh! Tapos na ang gawaing yan kaya please mahiwagang cellphone inuutusan kitang magtago ka para hindi na kita makita.

Letche naman to o! nasaktan na nga… bumabalik pa tong lokong alaala to. Yung mga araw na una ko syang nakilala at yung mga araw na masayang saya ako dahil sa kanya. Ano ba?! Ba’t ganyan?? Pleaseeeeee. Mr. Utak! Tigilan mon na yan.

Ito ako ngayon sa harap ng laptop nagpupumilit na aliwin ang sarili para kahit sandali makalimutan ko ang mokong na yun. Pero bat ganon??? Parang may sariling utak tong mga daliri ko at sadyang kusa silang pumipindot--- kaya ito napunta sa SNS na naman at sa mismong account mo pa. Haaaaay!

Aaminin ko… Oo! Miss ko na ang dating tayo. Yung nag kukwentuhan, nag bibiroan, nag aasaran at kung ano pang kalokohan na nagpapakilig sa akin. Ayoko ng ganito--- na parang di tayo magkakilala... daig ko pa ang hangin nito kasi di mo na ko makikita. Asan na yung FOREVER mo? Namasyal? HAHAHA niknik mo dre! </3

Tama nga yung mga sinasabihan kong #TeamBitter noon na walang FOREVER. Ewan ko ba? Ang tanga tanga ko pagdating sayo. Pero wala eh! Mahal pa rin kita loko ka at sobra na kitang na miss. Tanong ko lang namiss mo rin kaya ako? Kahit saglit lang? Gaya nang mga sinasabi mo kahit araw-araw tayong nag uusap noon.

Sana maisipan mo man lang na kumustahin ako. Kahit ganon lang masaya na ako… kung ayaw mo okay lang din. Alam ko naman abala ka sa pag poporma sa kanya, kaya di na kita kelangan tanungin pa kung kumusta ka kasi kitang-kita naman sa mukha mo na masaya ka sa kanya. Siguro nga di talaga tayo pa sa isa't isa kaya kailangan ko nang tigilan ito. Talagang malayo na tayo ngayon sa kung ano tayo noon at malapit na malapit na tayo kung saan dapat tayo... ang pagpaka layo-layo sa isa't isa. 

He Could Be The Boy But I'm Not The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon