"chapter 2"

107 6 0
                                        

..natapos ang deal namin ni frances ...sa loob mismo ng canteen.. sa harap ng friends niya...pero wala si Khris...hindi siya pumunta ng canteen..sa pagkakarinig ko...kumain sila sa labas ni Karina...kaya naging maayos ang deal namin...

Alas kwatro na ng hapon..tapos na ang klase ko...papunta na ako ngayun sa school ng baby ko para sunduin siya...

Pagdating ko sa school...sakto naman na tapos na ang klase nila...nakita ko agad ang baby ko na palabas ng classroom nila...dali-dali akong naglakad para makalapit sa kanya...

..nung malapit na ako...tinawag kona agad siya para makuha ko ang attention niya...
..."hello baby...mommy is here..."ang tawag ko sa baby ko...

Lumingon-lingon siya hanggang sa makita niya ako..."mommy..."ang sigaw ng baby ko tapos tumakbo na siya papalapit sa akin...nung malapit na siya bigla siyang tumalon at yumakap sa akin...muntik na akong ma out-balance...naisip ko tuloy sobrang excited ng baby ko na makita ako..
Niyakap ko din siya ng mahigpit sabay halik sa buhok niya na amoy araw...siguro naglaro na naman siya kanina sa labas...

...lingid sa kaalaman ko...may nakatingin or nanonoud pala sa amin ng baby ko sa di kalayuan....

...."bakit amoy-araw kana naman...naglaro kana naman kanina sa labas?"ang tanong ko sa baby ko ng nakangiti..

.."yes mommy..may bago po akong friend...sobrang kulit niya...kahit ayaw ko...pinipilit niya akong maglaro ng habulin sa labas kanina...kaya ayun pumayag na ako..."ang nakangiti niyang paliwanag sa akin..

..."at sino naman yung bago mong friend...pwede ko ba siyang makilala?"ang tanong ko sa baby ko...

.."yes mommy...andito pa po siya...pero kasama niya ang kuya niya..pumunta sila sa cr.."ang sagot ng baby ko habang nakatingin sa gawi ng cr...

..."ah okey...wait nalang natin sila kung ganun...para makilala ko ang new friend mo?"ang tanong ko sa kanya...

Nagliwanag ang mukha ng baby ko sa sinabi kong iyon...mukhang gustong-gusto niya na ma meet ko ang bago niyang friend...ngayun ko lang siyang nakitang masaya...alam kong walang nakikipag friend sa kanya dahil sa wala siyang daddy...

..."mommy papalapit na po yung friend ko sa atin.. halika salubungin po natin sila..."ang sabi sa akin ng baby ko sabay hila sa kamay ko...sumunod naman ako sa kanya kung saan man niya ako dadalhin habang nakatingin ako sa kamay namin na magkahawak...sobra siyang excited..naisip ko...

Nung huminto na kami saka ako nag-angat ng mukha para makita ko yung new friend niya...ganun nalang ang gulat ko nung makilala ko ang kasama ng new friend ng baby ko..yung kuya ng new friend ng baby ko...ay walang iba kundi si Alexander the great?I mean the arrogant Khris Alexander Richman...?ang guy na lageng masama ang tingin sa akin sa campus...ang liit ng mundo...nakatingin lang ako sa kanya...hindi ko alam ang gagawin ko...magpapakilala pa ba ako samantalang kilalang-kilala na niya ako..at kilala ko rin naman siya...?what a day!!??

..."mommy siya po yung sinasabi ko na new friend ko si princess..."ang pagpapakilala sa akin ng baby ko sa friend niyang si princess...tumingin ako kay Khris saka ako tumingin sa baby sister niya na nakatingin din sa akin habang nakangiti..

..."hi baby...nice meeting you..."ang sabi ko kay princess habang nakangiti..

..."nice meeting you din po...now I believe Liam...you are really really beautiful..."ang sabi sa akin ni princess tapos lumapit siya sa akin..
.."can I kiss and hug you po....?I really like you..."ang tanong sa akin ni princess habang nakangiti sa akin...

..."sure baby...come here..."ang sabi ko sa kanya habang nakabuka ang mga braso ko...lumapit siya agad sa akin at yumakap.. tapos hinalikan niya ako sa pisngi...hinalikan ko din siya sa pisngi bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin..

..."ang bango-bango niyo po tita...tapos ang ganda-ganda niyo pa po...sana paglaki ko kasing ganda ko rin po kayo..."ang sabi sa akin ni princess...tapos tumingin ako sa kuya niya...tahimik lang ang kuya niyang nakikinig sa usapan namin...pero hindi naman mukhang galit ang mukha niya...hindi ko nabasa kung ano ang iniisip niya...

..tumingin ako ulit kay princess..."syempre naman baby...I'm sure paglaki mo...mas maganda kapa kaysa sa akin...."ang sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko ang cute niyang pisngi..tumingin siya sa kuya niya habang nakangiti...

...."kuya bakit hindi mo ligawan si tita Fina.. mas maganda siya kaysa kay ate Karina...tsaka ayaw ko kay ate Karina...lage siyang ngrereklamo pag nasa bahay siya....lage rin kayong nag-aaway..."namula ang mukha ko pagkarinig ko sa sinabi ni princess sa kuya niya...bakit kaya niya naisipang paligawan ako sa kuya niya samantalang may anak na ako...

..."baby...hindi pwede...may asawa na si tita Fina mo...tsaka bad magsalita ng ganyan about kay ate Karina mo..."ang sabi ni Khris sa kapatid niya...

..."of course not!sabi ni Liam...wala siyang daddy...kaya pwede mo siyang ligawan..."ang makulit na sabi niya kay Khris...

..."hindi parin pwede baby...may girlfriend na ako...at love ko si ate Karina mo...."ang sagot niya kay princess habang nakatingin sa akin...

...ouch!it hurts...kailangan pa talagang ipamukha sa akin yun...well wala naman akong balak na sagutin ka kung saka-sakali...ang sigaw ng isip ko...

.."oh sige baby mauuna na kami ni Liam...kita nalang tayo bukas..?"ang tanong ko sa kanya habang nakangiti...

.."sabay na po kayo sa amin tita...para alam ko kung saan kayo nakatira...para pwede na akong bumisita sa inyo para makipaglaro kay Liam.."ang pakiusap sa akin ni princess..tapos tumingin ako sa kuya niya....well hindi ko parin mabasa sa mukha niya kung ano ang iniisip niya..

..."nextime nalang siguro baby..may pupuntahan pa kami ni Liam eh..."ang mahinahon kong sabi sa kanya...well bakit naman kami sasabay sa kanila..kung ramdam kong ayaw ng kuya niya...

..."oh..sige po tita..nextime nalang po..."ang malungkot niyang sagot sa akin habang naka pout...

..."oh sige baby...bye...ingat sa byahe...see you tomorrow?"ang tanong ko sa kanya...

..."okey po tita...bye.."ang sagot niya sa akin...tapos hinawakan kona sa kamay ang baby ko at tumalikod....tapos nagsimula na kaming naglakad palabas habang bitbit ko ang bagpack ng baby ko..hindi na ako lumingon sa kanila...ayaw kong makita ang expression ng mukha ni Khris...

Paglabas namin ng gate...naghintay kami ng taxi para sakyan namin pauwe...well wala naman kaming ibang pupuntahan...sinabi ko lang yun kanina para hindi na ako pilitin ni princess na sumabay sa kanila...hindi ko kayang sumakay sa kotse ng kuya niya...dahil alam kong galit siya sa akin...lumipas ang fifteen minutes wala paring taxi na huminto sa harap namin.. kaya naisipan kong sumakay nalang ng jeep...para hindi kami gabihin.. magluluto pa ako ng dinner namin...at may work pa ako mamaya sa bar..alas syete ang work ko...at ala una naman ang out ko..so everyday may fours hours lang akong tulog..

Yung baby ko sinasama ko sa work...sa office siya ng manager namin siya natutulog...mabait naman ang manager ko at naiintindihan niya ang situation ko kaya pumayag siya na isama ko ang baby ko..minsan siya narin ang gumagawa ng assignment ng baby ko pag wala na akong oras na magturo...

After another minute may huminto ng jeep sa harap namin...hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng baby ko at pinauna na siyang sumakay..nung pasakay na ako...narinig kong may tumawag sa name ko..lumingon ako para tingnan kung sino..tapos nakita ko si Khris na nakatingin sa akin...

...."fìna wait...."ang tawag niya sa akin...sasagot na sana ako pero biglang nagsalita ang driver..

..."miss pakibilisan nalang...para iwas tayo sa traffic..."ang sigaw ni manong driver...wala na akong nagawa kundi ang maupo nalang...tapos tumingin ako ulit sa labas..nakita kong nakatayo parin si Khris sa gilid ng kalsada...ano kaya ang kailangan niya....bakit niya ako tinatawag...akala ko nakaalis na sila...tsaka bakit hindi niya kasama ang kapatid niya...ang daming tanong sa isip ko na alam kong hindi mabibigyan ng kasagutan...kaya nung papalayo na kami...binaling ko nalang ang attention ko sa baby ko na nakahawak ang kamay sa akin..nung tiningnan ko ang baby ko..napansin ko na parang inaantok siya..siguro sobrang napagod siya ngayung araw...kaya binuhat ko siya at nilagay sa kandungan ko.. saka sinandal ang ulo niya sa dibdib ko..after a minute nakatulog na ang baby ko...ang mahal na mahal kong baby...gagawin ko ang lahat para sa kanya...

...

Ms.Trouble(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon