"chapter 10"

96 5 0
                                        

...kinabukasan nagising ako sa init na nararamdaman ko...tapos nahihirapan akong huminga...minulat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan...tapos nakita ko si Khris...yung ulo niya nakapatong sa may dibdib ko..yung kamay niya nakayakap sa akin while ang paa niya nakapatong naman sa hita ko...

Naisip ko kaya pala hindi ako makahinga at ang init ng nararamdaman ko...bumuntong-hininga muna ako saka ko dahan-dahan tinanggal yung kamay niya nakayakap sa akin...sinunud ko yung paa niya...tapos yung ulo niya nakapatong sa dibdib ko...ayaw ko naman siyang gisingin dahil alam kong pagod siya at baka hindi siya sanay magising ng maaga...alam kong kailangan niya pang matulog...kaya todo ingat akong bumaba sa kama para hindi siya magising..

Gusto ko rin matulog pa kaya lang gagawa pa ako ng breakfast namin...may pasok kami sa school ni Liam...kaya agad na akong pumunta ng bathroom...

Pagkatapos kong maligo..magtoothbrush...at magbihis...lumabas na ako...at nakita kong himbing na himbing pa ang dalawa...ang sayang panoorin sila habang natutulog....ang gwapong mukha ni Khris na hindi nakakasawang tingnan...ang  mga mapupula niyang labi na medyo nakabuka na para bang nag-aanyayang halikan... ngumiti ako sa sarili ko sa mga naiisip ko...saka ako lumabas at nagtungo sa kusina...

After thirty minutes...natapos na akong magluto...naihanda kona rin sa mesa ang breakfast namin..kaya bumalik na ako sa kwarto para gisingin si Liam at Khris...pagpasok ko sa loob...nakita kong magkayakap na silang dalawa...napangiti ako sa nakita ko...para silang tunay na mag-ama...lumapit ako sa kama..sa side ni Khris....umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan kong niyugyog ang balikat niya...

.."khris...wake up....may pasok pa tayo sa school..."ang marahan kong tawag sa kanya....hindi man lang siya gumalaw.. malamang tulog na tulog talaga ito...hindi man lang ako narinig...kaya nilakasan ko ang pagyugyog sa balikat niya...

...."khris...wake up...pag hindi kapa gising...kukuha ako ng tubig para magising ka..."ang kunwaring inis kong tawag sa kanya...pero hindi parin siya nagigising...kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para pakiramdaman kung nagtutulog-tulugan lang ba siya...malay ko ba na pinagtitripan niya lang ako...pero nagkamali ako sa ginawa ko..kasi bigla siyang lumingon at hinila niya ako saka niya ako hinalikan...

...."goodmorning babe....this is the happiest morning of my life..."ang sabi niya sa akin pagkatapos niya akong halikan pero hindi parin niya ako binitawan...nakangiti siyang nakatingin sa mga mata ko....tapos dahan-dahan niyang hinawakan ang labi ko...habang nakatingin siya dito..."this is the sweetest lips...I've tasted...I can't get enough of kissing this sexy lips..."he whispered huskily...then he kissed me again...he kissed me passionately....

..."mommy....daddy...goodmorning...."sa narinig kong iyon...agad kong naitulak si Khris.. tumawa lang ang loko sa akin samantalang ako...hindi makatingin sa anak ko at pulang-pula na ang mukha ko sa hiya...ano nalang iisipin ni Liam sa aming dalawa...

..."mommy...hindi mo ba ako ikikiss tulad kay daddy...?"ang malambing na tanong sa akin ng anak ko..mas lalo akong pinamulahan ng mukha...si khris tawa ng tawa sa reaksyun ko...talagang nag-enjoy siya sa kahihiyan ko...kahit masarap pakinggan yung tawa niya..pinakita ko paring kunwari naiinis ako sa kanya...inirapan ko muna siya saka ko hinalikan sa pisngi ang anak ko..

..."mommy bakit si daddy sa lips mo siya hinalikan ng matagal tapos ako sa pisngi pero saglit lang..?mas love mo naba si daddy kaysa sa akin...?"ang inosenting tanong sa akin ng anak ko..hindi kona alam kung ano na ang hitsura ko sa sobrang kahihiyan...pero si Khris mas lalong nag-enjoy sa hitsura ko..parang mas gusto ko nalang lamunin ako ng kinauupuan ko..

...."no baby...mas love ka ni mommy..pero ang daddy sa lips talaga hinahalikan tapos ang babysa cheeks naman kinikiss.."ang nakangiting paliwanag ni Khris sa inosente kong baby...

...."ganun po ba daddy...?"ang tanong niya kay Khris...

...."yes baby.."ang nakangiti namang sagot ni Khris...."okey..get up...you need to take a bath now...may pasok pa tayo sa school.."ang sabi ni Khris sa kanya tapos bumangon na sila at tumayo...humarap sila sa akin ng magkahawak-kamay...nakatingin lang ako sa kanila...wala along masabi...kahit sobrang saya ng puso ko na makita silang dalawa ng nakangiti sa akin...

.."sabay na kaming maliligo...I ready mo nalang yung susoutin namin babe...naiwan ko sa sala yung bag ko...pakikuha nalang wifey...?"ang sabi niya sa akin sabay kindat...tapos nagsimula na silang maglakad papuntang bathroom..hindi na ako nakasagot... dahil na block ang utak ko sa wifey na tawag niya sa akin...sobrang kinilig ako...yung puso ko lumulundag-lundag sa loob ng dibdib ko...pumunta ako sa sala para kunin ang bag ng hubby ko? ng nakangiti..

...nung makuha ko na ang bag niya saka ako napaisip kung paano yun napunta sa sala...sa pagkakatanda ko wala siyang bitbit na bag kagabi habang karga niya si Liam...lumabas ba siya kagabi habang tulog ako??napailing-iling nalang ako sa sarili ko..

...pumasok ako sa kwarto na bitbit ang bag ni Khris...nakakaisang hakbang palang ako papasok...nahagit ko na ang aking hininga sa nakita ko...si Khris naka towel lang habang tumutulo pa ang tubig sa basa niyang buhok..habang si Liam ay hubot-hubad na tumatawa kay Khris...napanganga ako sa hitsura nilang dalawa...nung maramdaman ni Khris na nasa loob na ako ng kwarto..lumingon siya sa akin at ngumiti...

..."like what you see babe...?"tapos ngumisi siya sa akin...

...inirapan ko siya..pero hindi maitago ang ngiti sa mga labi ko..kaya mas lalo siyang ngumisi sa akin ng nakakaloko...

..."magbihis na kayo at ng makapag breakfast na tayo...may pasok pa tayo remember?.."tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti parin...

...lumapit siya sa akin at kinuha ang bag niya sa kamay ko...nalanghap ko ang sabon na kinamot niya..at alam kong sabon ko ang ginamit niya....

..."yes wifey...I love it when your blushing..."ang bulong niya sa akin..."just give us a minute...ako na magbibihis kay Liam...hintayin mo nalang kami sa kitchen.."then he give me a peck in my lips..

Lumabas na ako ng kwarto at sa kusina ko nalang sila hihintayin..makalipas ang twenty minutes nakita kona silang dalawa lumabas ng kwarto...napatitig ako kay Khris...gwapong-gwapo talaga siya kahit ano pa ang soutin niya...yung mukha niyang nakangiti...

..."ano babe...pasado na ba ako sa paningin mo..?"ang sabi ni Khris ng nakangisi na pumukaw sa akin habang nananaginip ng gising...bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya...gaano ba katagal akong nakatulala sa kagwapohan niya at hindi ko man lang namalayan na nasa tapat kona pala sila...umayos ako ng pagkakaupo sabay tikhim para tanggalin ang bara sa lalamunan ko...saka ako tumingin sa kanya ng nakangiti...pilit nilalabanan na wag akong pamulahan ng mukha dahil I'm sure mas lalo niya akong tutuksuhin...

...."maupo na kayo at ng makakain na tayo...mahuhuli na tayo sa klase..."ang sabi ko nalang sa kanila...tinulungan muna ni Khris si Liam na maupo sa tabi ko..saka siya sumunod na maupo din malapit sa akin..hindi na ako makaurong kasi malapit lang naman ang mesa namin...kaya kahit ramdam ko na halos magkadikit na ang katawan namin..hindi kona lang binigyan ng pansin...

...."mommy..alam mo sabi ni daddy...pupunta daw tayo sa mall...manonoud daw tayo ng sine.. tapos kakain sa labas..."ang exited na balita ng anak ko...bigla naman ako napatingin kay Khris na nakatingin na pala sa akin...yung mga mata niyang nakangiti sa akin...

..."khris.."hindi ko masabi-sabi ang gusto kong sabihin sa kanya...naiinis ako sa kanya..bakit niya sinabi sa anak ko yun...paano kung hindi niya yun matutupad..or paano kung tutuparin nga niya yun..tapos may makakita naman sa amin na magkasama...ano nalang iisipin ng mga kakilala niya...handa ba siyang harapin lahat ng sasabihin ng mga friends niya...?handa rin ba akong harapin ang sasabihin ng mga nakakakilala sa akin....?ayokong mapahiya si Khris ng dahil sa amin ng anak ko...

..."don't worry babe...I know what you're thinking...don't mind them okey...?the important is we are happy...you...me and Liam....so stop thinking too much..."ang madamdamin niyang sabi sa akin...gusto kong magtiwala sa kanya..pero natatakot ako sa maaaring mangyari...ayokong masaktan si Liam...ayokong masaktan sa oras na marealized niya ang lahat tapos iiwanan niya na kami...pero paano ko sasabihin sa kanya na tigilan na niya ang ginagawa niya kung nakikita kong masaya ang anak ko...kung nakakaramdam ng saya ang puso ko sa tuwing ginagawa niya ang lahat ng ito...

Ms.Trouble(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon